5 Amazing Health Benefits of Sex

0
695

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

1.Helps your Immune System- Ilan sa mga nakakatulong sa ating immune system ang pagkain ng tama, pagtulog sa tamang oras, tamang ehersisyo at sex. Ang pakikipagtalik ay isa sa mga nakakapagboost ng ating immune system. May mga isinagawang pag-aaral na ang taong madalas nakikipagtalik ay mas madalang magkasakit kaysa sa mga taong hindi ito nagagawa ng madalas. Ang mga taong may sex life ay nagkakaroon ng mataas na level ng panlaban sa mga viruses, germs at iba pang bacteria na hindi kailangan ng ating katawan.

2.Improves Women’s Bladder Control- Mahalaga ang pagkakaroon ng malakas na pelvic floor para maiwasan ang incontinence na nakakaapekto sa halos tatlumpung porisyento ng mga kababaihan sa isang parte ng kanilang buhay. Ang pakikipagtalik ay maituturing na isang ehersisyo para sa pelvic floor muscles. Kapag nag-oorgasm na ang isang babae, ito ay nagreresulta ng contractions sa mga muscles na siyang nakapagpapatibay dito.

3.Lowers Your Blood Pressure- Nakakatulong din sa pagpapababa ng blood pressure ang pakikipagtalik. Maraming pag-aaral na ang nakapagpatunay na ang sexual intercourse ay nakapagpapababa ng blood pressure.

4.Lowers Heart Attack- Kung maganda ang iyong sex life maganda rin ang dulot nito sa iyong puso. Pinananatili nitong balanse ang estrogen at testosterone. Kapag ang isa rito ay mababa, ito ay magdudulot sa’yo ng panganib sa sakit na osteoporosis at maging ang heart disease. Halimbawa, ang isang lalaki na nakikipagtalik dalawang beses sa isang lingo ay nakakaligtas sa sakit sa puso.

5.Lessens Pain- Bago ka mag-take ng gamot para maibsan ang sakit ng iyong katawan, subukan mo muna ang mag-orgasm. Nakapaglalabas ito ng hormone na tumutulong upang mabawasan ang pananakit ng kalamnan. Maging ang vaginal stimulation na walang orgasm ay nakakaharang din sa chronic back at leg pain. Bukod dito, marami ring kababaihan ang nagsabi na ang sex ay nakakatulong din upang mabawasan ang pain sa menstrual cramps, headache at arthritic pain.

Ilan lamang ang mga ito sa mga benepisyong pangakalusugan na maaari nating makuha sa pakikipagtalik. Subalit hindi natin dapat kalimutan ang kasagraduhan nito. Ito ay dapat lamang gawin ng mga taong may basbas ng Diyos at may pagmamahal sa isa’t-isa. Kung ito ay gagawin out of marriage ay kailangan din nating isaalang-alang ang kahalagahan nito at ang mga kaakibat na responsibilidad. Lalo na ay huwag tayong makikipagtalik nang sapilitan at sa mga menor de edad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here