4 TOXIC Relationship Traits ng Pinoy

0
85

Ang Toxic na relasyon ay hindi lamang base sa kung madalas ba kayong nagsisigawan o nagbabatuhan ng gamit tuwing nag-aaway. Sa katunayan, maraming toxic na gawi ang hindi napapansin ng mga Pilipino dahil sa ito na ang nakamulatan at nakagawian nila. Kaya naman, importanteng alam mo kung ano ang mga palatandaan na toxic na ang iyong relasyon upang ikaw ay makaalis dito o di kaya’y makagawa ng solusyon para sa inyong problema. 

Narito ang 4 Toxic Relationship Traits ng mga Pilipino

4. Laging takot na makagawa ng kasalanan. Bakit? Dahil alam mong bawat maliit na bagay ay makakatrigger ng galit ng iyong partner, at malaking away ang kahihinatnan nito. Madalas, sila rin ay hindi mo mapangatwiranan ng maayos kaya mas lumalaki ang away. Ang makagawa ng kasalanan ay normal sa isang tao. Normal din na mangyari ito habang ikaw ay nasa isang relasyon. Kaya naman, ang pagiging takot na makagawa ng kasalanan ay hindi tama.

3.Tini-test ka ng iyong partner. Naranasan mo na bang ma “test” ng iyong partner? Halimbawa: nagchat ka na ikaw ay iinom kasama ang iyong mga kaibigan. Nagreply ng thumbs up at okay ang iyong partner, kaya ikaw ay lumabas at uminom. Pero pagkatapos, hindi na nagrereply ang iyong partner, at galit na pala dahil lumabas ka pa rin kahit na halatang ayaw niya. 

Naguluhan ka rin ba? Ganyang ang madalas na “test” diumano ng Pinoy. Hindi nila sasabihin saiyo ang totoong saloobin pero aasahan na alam mo ang ibig nila sabihin, Kung nakakaranas ka ng ganitong sitwasyon, kausapin mo agad ang iyong partner at iexplain kung bakit mali ang gawi na ito. 

2. Wala kang privacy. Hindi dapat alam ng iyong partner ang password ng iyong social media, email, cellphone, laptop, at kung ano ano pang pribadong pag-aari. Hindi dapat sila nakikialam sa mga gamit mo. Hindi dapat nila kinakalkal ang drawers mo, o inbox mo, o call history mo. Ika nga nila, trust is the foundation of a relationship. Kung walang tiwala saiyo ang iyong partner, bakit pa kayo magkasama? Hindi ka dapat binabantayan at minomonitor ng iyong partner. Kung ikaw ay may magawang kamalian na makakasira ng kanyang tiwala, siya ay may karapatan na iwanan ka o di kaya’y ayusin ang inyong relasyon. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay may karapatan na syang pakialaman ang mga pribado mong pag-aari. 

1. Paghingi ng permiso sa iyong partner. Isa sa pinakamadalas na toxic na gawi ng mga Pinoy ay ang paghingi ng permiso.

“Babe, iinom kami ng tropa. Pwede ba ako sumama?” 

“Hon, manunuod kami ng movie after work. Okay lang ba?”

“Nag-chat yung lalaki kong ka work. Replyan ko ha?”

Kung ganito ang sitwasyon mo ngayon, siguro ay nagtataka ka kung bakit ito? Bilang isang adult, ikaw ay may karapatan na gumawa ng iyong sariling desisyon. Hindi mo dapat ibinibigay ang karapatan na iyan sa iyong partner, lalo na kung buhay mo ang maaapektuhan nito. Kung iniisip mo na ito ay isang paraan ng pagpapakita ng respeto sa iyong partner, ang mas nararapat na gawin ay sabihin mo sakanya ang iyong mga plano, ngunit hindi mo kailangang humingi ng pag-apruba nila at wala rin silang karapatan na pagbawalan kang gawin ang mga nais mong gawin. 

Kung nararanasan mo ang mga nakalista sa taas, o di kaya ay ginagawa mo rin ito sa iyong partner, sana ay matuto kayong tigilan at ayusin ang inyong pakikitungo sa relasyon. Hindi ibig sabihin nito ay kailangan niyo nang maghiwalay. Ang mga bagay na ito ay hindi agad natin napapansin sapagkat ito ay naging natural na sa ating kultura, kaya naman ang maagang pag aksyon sa mga toxic na gawi sa lista ay higit na makakatulong sa kalidad ng iyong relasyon. 

Subalit, kung napuna niyo na ang toxic na mga gawi ng inyong partner at sila ay paulit ulit na ginagawa pa rin ang mga ito, maaaring panahon na pag-isipan ang pakikipaghiwalay sa inyong partner. Tandaan, ang isang relasyon ay hindi lang dapat puno ng pagmamahal, kailangan ito ay healthy rin. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here