4 Storya ng Kabit Na Nakakagulat

Walang may gustong ma-involve sa isang taong taken na. Walang nagpa-plano nito, at walang nag-aasam ng ganito. Sabi nila, may mga tao talagang walang self-control. Pero hanggang saan ka dadalhin ng konsensya mo kung malaman mong kabit ka? Read more..

Nag-interview ako ng limang tao na involved sa taken na tao at sinabi nila sa akin ang mga kwento nila, without judging them. We will keep them anonymous, kaya nicknames lang ang ilalagay natin. Para sa mga babaeng tingin nila ay niloloko sila ng asawa nila, makakatulong din ito sa inyo para malaman ang iba’t ibang kwento ng mga taong pinangloko sa inyo.

1. “Hindi ko alam na kabit pala niya ako. Katrabaho ko siya at madalas kami mag-usap dahil ako ang taga-tanggap sa mga pumapasok na trabaho sa division namin. Isang beses, gabi na ako umuwi dahil nagkasama kami sa isang project. Kinuha niya yung number ko dahil gusto niya malaman na nakauwi na ako ng safe. Pagkatapos nun, nagkausap na kami sa text at lagi niya ako kinakamusta. Lumipas ang ilang linggo at napapansin ko na mas nagiging sweet siya. Syempre ako naman si gaga tuwang tuwa dahil wala namang ibang nanliligaw sa akin. May exclusivity at security akong nafeel kaya di ko siya inisipan ng masama. Hanggang sa isang araw, chinat ako ng babae na bakit daw ako nakikipag usap sa asawa niya. Gulat na gulat ako. Di ko alam ang gagawin ko. Di ko na matakasan yung sitwasyon kasi na-inlove na rin ako sa kanya.” Mae, 30

2. “Alam ko una palang na may girlfriend siya, pero nagkakalabuan na sila. Siya ang unang laging nagtetext sa akin at hindi ko naman matanggihan kasi nalulungkot daw siya. Di daw niya alam ang gagawin niya dahil gusto na niya kumawala sa girlfriend niyang controlling. Secretly, hinihiling ko na maghiwalay na sila, pero parang mahal pa niya. Siguro in time, pero hindi ngayon.” Lisa, 34

3. “Sabi nila, walang may gustong maging kabit, pero eto ako, nasa ganung sitwasyon. Di ko ma-imagine ito kahit dati. Noong una, nagkakatext lang kami, hanggang sa may baby nang involved. Syempre ipaglalaban ko yung anak ko at hindi ako papayag na iwanan niya ako basta basta. Sa asawa niya, wala silang anak. Di ko alam gagawin ko, pero importante sa akin eh hindi maargabyado ang anak ko.” Apol, 26

4. “Nakainuman ko siya sa bar tapos ang landi landi niya. Di ko alam na may girlfriend pala siya. Kinuha niya pa number ko dahil marami na kaming napag-usapan nung gabi na yun. Eh di binigay ko ang number ko. Noong gabi rin na yun, naging katext ko siya. Sabi niya ngayon lang daw siya nakakilala ng ganoong klase ng babae, na pinapakinggan yung thoughts niya at lahat ng mga bagay na kinatatakutan niya. Tapos, kinaumagahan, may text message flood sa phone ko. Yung girlfriend pala niya ang nagtetext sa akin. Nagreply ako na ‘Hindi ko alam na may girlfriend pala siya. Sorry, never ko ‘to ginusto. Pakibura na lang po number ko and asahan mo na di na ako magtetext sa kanya. Genuine akong humihingi ng sorry. Nakakadismaya na nakakahiya. Hope mapaisip ka rin sa ganyan niyang actions dahil nangloloko siya ng babae. Thank you for informing me. And sorry ulit.’ After ng incident na ito, nagkita kami nung girlfriend at nagkausap tungkol sa nangyari sa gabing iyon. Hiniwalayan na niya boyfriend niya at naging bestfriends kami.

SHARE
Previous articleTips para di tamarin ang anak mag-aral
Next articlePamahiin Pusa: Pagpatay sa pusa, may kaakibat na kamalasan
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here