4 Reasons Why Women Cheat

0
134

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Kapag lalaki ang nanloko sa isang babae, kalimitan ay binibigyan ito ng justice. Kesyo wala naman daw mawawala sa lalaki o baka maraming pagkukulang si babae. Napakaraming alibis. Pero sa oras na ang babae naman ang siyang magloko, siguradong hindi lang asawa niya ang susumpa sa kanya kundi ang buong bayan ay huhusgahan siya. Pero bago tayo manghusga dapat muna nating malaman ang mga dahilan kung bakit ito nagagawa ng isang babae. Narito ang apat na mahahalagang dahilan.

1.Bad Relationship. Hindi mo raw makikilala ang tunay na ugali ng isang tao hangga’t hindi mo siya nakakasama sa iisang bubong. Maaaring bago makipagpalitan ng ‘I do’ ang isang babae sa kanyang groom ay nakilala niya ito bilang perfect guy. Subalit sa panahon nga ng kanilang pagsasama ay saka niya natuklasan ang mga natatago nitong bad attitudes. Kaya naman si babae sa oras na makatagpo ng isang lalaki na sa tingin niya ay makapagsasalba sa kanya mula sa bad relationship, kukunin niya ang pagkakataong ito.

2.Unsatisfying Sex. Kung iisipin ay pwede nating sabihin na mababaw na dahilan lang kung sex ang pagbabatayan ng pagcheat ng isang babae. Pero mahalaga ito sa karamihan ng babae at ganon din naman sa karamihan ng mga lalaki. Kapag hindi na nasisiyahan ang babae sa kanilang sex life ng kanyang kapareha, ang tendency ay maghanap siya ng ibang lalaki na maaappreciate ang hotness niya sa kama. Kung malamig kasi sila sa kama ng kanyang karelasyon, iisipin niya na walang gana sa kanya ang lalaki kaya nawawalan din siya ng gana dito.

3.No Spark. Kapag daw hindi true love ang iyong natagpuan, ang spark nito ay kusang mawawala sa paglipas ng panahon. Lalo na kung ang daily routine ng inyong pagsasama ay puno ng stress. Yung tipong maraming bagay na kayong hindi napagkakasunduan tulad ng pagbabudget sa inyong kita, paraan ng pag-aalaga sa mga bata at kung anu-ano pang bagay na kung minsan ay inaakala nating maliit na bagay lang. Kaya naman ang romantic spark ng inyong relationship ay unti-unting nawawala hanggang sa matagpuan ito ni babae sa ibang lalaki.

4.Revenge. Kung nauna namang nag-cheat si lalaki, may mga babae na gumaganti. Para maiparamdam sa kanyang kabiyak ang sakit, galit at selos na naramdaman niya nang magloko ito. Hindi niya matanggap na siya ay nagawang lokohin ng kanyang asawa kaya naman gusto niyang maibalik dito kung ano ang ipinaramdam sa kanya. Sa aking sariling opinyon, babae man o lalaki ay walang sapat na rason para magloko.

Gaano man kabigat ang dahilan mas makakabuti na maging totoo na lang at palayain ang isa’t-isa kung wala ng pagmamahal na nadarama. Hindi rin naman makakabuti para sa mga bata na mag-stay ang kanilang ama’t-ina sa pamilya kung wala naman silang nakikitang pagmamahalan sa halip ay puro awayan lang. Kaya bago tayo pumasok sa isang seryoso at pangmatagalang relasyon kailangan natin siguruhin na matatanggap natin ang kalakasan at kahinaan ng ating kapareha. Kung hindi naman at mauuwi lang sa panloloko ay mas makakabuti na huwag na natin itong pasukin.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 3, 2019
Next articleMGA HAUNTED PLACES SA PINAS
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here