4 Reasons Why Love Hurts

0
147

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Lahat ng tao ay nararanasang umibig. Pero bakit nga ba sinasabing love hurts kaya ang iba ay takot na sumubok magmahal o nadala nang magmahal? Narito ang apat sa main reasons kung bakit.

1.WRONG PERSON. Mapipili nga ba natin ang ating mamahalin? Sa palagay ko’y hindi. Once na makaramdam tayo ng pagmamahal ay hindi natin ito mapipigilan. Kusa itong nararamdaman ng ating puso. Nangyayari ito kapag tayo ay napapalapit sa isang tao at nakikita natin ang magaganda niyang katangian. Maaaring magustuhan mo ang pagiging joker niya o pagiging mysterious. O kaya naman,sa hitsura pa lang ay parang may kakaiba ka ng nakikita sa kanya kahit pangkaraniwan lang naman ang looks niya o meron pang higit na mas maganda o guwapo kaysa sa kanya na kakilala mong posible mong magustuhan. Pero siya pa rin ang gugustuhin mo. Ang problema, siya ay maling tao para sa’yo. Taken na ng iba or nagmamahal na siya ng iba. Love hurts.

2.JEALOUSY. Kapag daw nagselos ang isang tao, ito raw ay sign ng pagmamahal. Halimbawa ay nakita mong may kasamang iba ang iyong mahal at nakita mo na masaya siyang kasama ang iba, automatic ay makakaramdam ka ng pagseselos. Kahit ayaw mo itong maramdaman ay kusa itong mapi-feel ng iyong puso. Ang selos ay kinapapalooban ng inggit, takot at galit. Kaya naman walang gugusto na makaramdam ng selos. Pero sadya yatang hindi ito maiiwasan at kasama na sa cycle ng pag-ibig. Manhid na lang siguro ang hindi makakaramdam ng selos kung makita mo ang iyong mahal na masaya sa piling ng iba. Love hurts.

3.TOO MUCH LOVE. Nakakasakit nga ba ng damdamin ang too much love? Maaaring sa iba ay hindi at gustong gusto nila ang binibigyan sila ng sobra sobrang pagmamahal at atensyon.Pero sa iba ito ay hindi katanggap tanggap. Nakakasakal ika nga. Ito yung nawawalan ka na ng kalayaan na gawin ang mga bagay na gusto mo. Yung ang bawat pagkilos mo ay de numero. Para kang may bodyguard na bawat lugar na puntahan mo kailangang kasama mo siya at kung hindi man kailangan mo itong ireport sa kanya ng detalyado. At ang katuwiran niya sa’yo ay pinag-iingatan ka lang niya dahil sobra ka niyang mahal. At dahil mahal mo rin siya, pagtitiisan mo ang mga do’s and don’t niya sa inyong relasyon kahit hindi ka na makahinga. Love hurts.

4.BETRAYAL. May mga pagkakataon sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan na ang isa ay nakakaramdam ng pag-ibig sa iba habang siya ay may karelasyon pa. Wala siyang intensyon na manloko o mangaliwa subalit ang tukso ay kusang lumalapit at nahihirapan siyang iwasan ito. Mahal niya ang kanyang karelasyon subalit hindi niya maintindihan kung bakit masaya siya kapag nakikita niya ang isa pa. Pareho niya silang gusto at kung pwede nga lang hilingin niya na sana dalawa ang puso niya. Sobra siyang nacoconfuse kung sino ba talaga sa dalawa ang mas matimbang sa kanya? Ang tao na una niyang minahal o ang tao na nagpapangiti at nagpapakilig din sa kanya ngayon? Love hurts. fffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here