4 Na Uri Ng Tao Na Paboritong Kagatin Ng Mga Lamok

0
288

Naiinis tayo kapag ang mga magulang natin ay may paborito sa ating magkakapatid. Gayundin ang guro na may favoritism. Maiinis ka rin kaya kapag nalaman mo na ang mga lamok ay may paborito ring kagatin? Ito ay ay ayon sa pag-aaral na apat sa uri ng tao ang kalimitang nilalapitan at kinakagat ng mga lamok.

1.BUNTIS- Bakit sa palagay nyo isa sa mga paborito ng lamok ang babaeng buntis? Sinasabing ito ay dahil sa mas marami ang carbon dioxide na nagmumula sa buntis kaysa sa isang babaeng hindi buntis. Ginagamit kasi ng mga lamok ang carbon dioxide na ineexhale natin para makatagpo ng mas marami pang biktima. Nasesense rin ng mga lamok ang mataas na internal temperatures na nauugnay sa pagbubuntis.

2.MANGINGINOM- Isa rin sa gustong gustong kagatin ng mga lamok ay ang manginginom. Yung mahilig uminom ng alak. Hindi pa tiyak ng mga mananaliksik kung anong meron sa alak para ito kawilihan ng mga lamok subalit naniniwala sila na ito ay nakakapagpataas ng temperatura ng katawan na maaaring siyang dahilan kung bakit type ng lamok ang taong may alak sa katawan.

3.TAONG MAY TYPE-O NA DUGO Alam mo na ba kung anong type ng dugo mo? Masuwerte ka kung ikaw ay type A, dahil sa lahat ng type ng dugo, ang tao na may type A ang pinakahuling nilalapitan ng lamok. Hindi rin masyadong type ng mga lamok ang may blood type na B at AB.

4.ATLETA Isa rin sa apple of the eye ng lamok ay ang atleta. Ang dahilan nito ay ang pawis na inilalabas ng atleta mula sa kanyang paglalaro. May kemikal kasi sa pawis na gustong gusto ng mga lamok. Kung ikaw ay isang atleta, upang kahit paano ay makaiwas sa kagat ng mga lamok, panatilihin mo na sapat ang tubig sa iyong katawan nang sa gayon ay mabawasan ang kemikal na tinataglay ng iyong pawis. Isa ka man sa apat na uri ng tao na paborito ng mga lamok o hindi, ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan upang ang sakit na dala ng mga lamok ay maiwasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here