4 na Klase ng Ghosts at Spirits na Karaniwang Nagpapakita sa Tao

1
584

Nakakita ka na ba ng multo?

Marami sa atin ang may mga kakaibang sensasyon tungkol sa nakikitang anino o hugis sa gilid n gating mata, na nawawala na lamang bigla kapag mismong tiningnan na natin ito. At marahil ay isa ka sa mga taong hindi takot na makaranas ng tinatawag na paranormal experience, gayunpaman, naisip mo na ba kung anong klase ng multo ang iyong naranasan? Marahil, hindi mo rin alam na may iba’t ibang klase ng ghost o multo ang nagpaparamdam o nagpapakita sa tao, narito ang lima sa kanila.

1. The Interactive Personality

Ang pinaka-karaniwan sa lahat ng ghosts na nakikita ay kadalasang sa patay na tao, isang tao na kakilala mo, miyembro ng pamilya o kaya naman ay kilalang tao sa kasaysayan. Ang ghost ay maaaring maging palakaibigan o hindi – subalit karaniwang ipinakikita ang kanilang sarili sa iba’t ibang paraan. Maaari silang magpakia; nakapagsasalita o gumagawa sila ng ingay, hawakan ka o gumawa ng amoy tulad ng pabango o sigarilyo at iba pa, upang ipaalam lamang na naroon sila. Ayon sa mga eksperto ang klase ng ghost na ito ay napapanatili ang dating personalidad nang siya ay nabubuhay pa at nakararamdam ng emosyon. At kadalasan, bumibisita sila upang i-comfort ka o ipaalam sa iyo ang isang bagay na mahalaga.

2. The Ectoplasm or Ecto-Mist

Nakakita ka na ba ng mist o fog na tila ba umiikot lang? Kung nakakita ka na, maaaring nakakikita ng sinasabi ng mga paranormal investigators na ecto-mist o ghostly mist. Ang vaporous cloud na ito ay karaniwang lumilitaw na ilang dipa nan aka-hang sa ere at mabilis kumilos o kaya naman ay manatili lamang sa isang puwesto – na parang nago-orbit lang ito. Maaaring ito ay magkulay white, gray o kahit black. Maraming tao ang nakakita nan g mga ectoplasm sa mga graveyards, battlefields, historical sites o sa madidilim na paligid.

3. The Poltergeist

Ang poltergeist ay kahulugan ng “noisy ghost” dahil sinasabing may abilidad itong galawin o ibagsak ang mga bagay, gumawa ng ingay ay manipulahin ang pisikal na kapaligiran. Habang marami na sa atin ang narinig ang terminong ito, ang poltergeist ay isa sa pinakamahirap na forms ng hauntings sa marami, at ang pinaka-nakakatakot. Malalakas na katok, ilaw na patay-sindi, pinto na bukas sara, kahit apoy na misteryosong nangyayari ay lahat iniuugnay sa klase ng ispiritong ito. Ang isa pang nakatatakot na aspeto ng poltergeist ay ang pangyayari ay magsisimulang mabagal, karaniwan, pagkatapos ay bigla itong iigting. Kilala rin ang mga poltergeist na maging mapanganib.

4. Orbs

Ang Orbs marahil ang anomaly na may pinakamaraming nakunang litrato. Nakikit sila bilang transparent o translucent ball of light na nananatiling nakalutang sa ere. Pinaniniwalaang ang mga orbs ay kaluluwa ng tao o maging ng hayop na namatay at naglalakbay sa iba’t ibang lugar. Ang bilog na hugis nila ay dahilan upang makakilos nang madali at karaniwang ang unang estado nito bago sila lumitaw bilang isang buong aparisyon.

1 COMMENT

  1. ako po ay nagkaroon ng maliit na kaso noon pa, dahil meron lang po akong kaaway, ay nilagay po ng batas sa paranormal life o supernatural na panggugulo ng isip na extra sensory perception na parusa sakin, ay hindi po ba masusunog o paaalisin na po yung evil spirit o multo na tagasanib sa kahit sino, ay nawawala na raw ang minor problem case ko po ay aalisin din ng batas ang paranormal life ko po ay kaya po ba nilang alisin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here