4 Kinds of Love That Are Worth Fighting For

0
105

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Sa ayaw man natin at sa gusto, may mga pagmamahal na karapat dapat ipaglaban at meron din namang dapat nang bitawan. Kahit masakit, may mga pagdedesisyon tayong ginagawa upang masagip natin ang ating mga sarili sa dagat ng kabiguan at kalungkutan. Kung naguguluhan ka sa kung anong klase ba ng pagmamahal ang dapat mong ipaglaban, narito at basahin mo ang tatlong uri nito.

1.Ang pagmamahal na ito ay genuine. Mula pa man sa iyong pagsilang. Ipamumulat nito sa’yo na ikaw ay hindi perpekto, subalit mula sa pagiging hindi mo perpekto ay may tao pa rin na mamahalin ka ng buo. Kasama ang iyong kakayahan at pati na mga kahinaan. Ang pagmamahal na ito ay hindi ka iiwan anong giyera man ang suungin mo. Wala itong kondisyon na ibibigay sa’yo. Ipagtulakan mo man palayo ay mananatili sa tabi mo. Ang pagmamahal na ito ay mula sa iyong mga MAGULANG.

2.Ito ay uri ng pagmamahal na sa pakiramdam mo ay sobrang lapit sa puso mo. Yung tipong gagawin mo ang lahat para lamang mapanatili ito. Masaya ka kapag nasa paligid siya at masaya ka na nakikita mo siyang masaya rin dahil sa’yo at para sa’yo. Ito ang pagmamahal na hindi ka aalisan ng sariling pagkatao kundi bubuuin ang iyong pagkatao at magiging katuwang mo sa hirap man o ginhawa. Ito ang pagmamahal na maibibigay sa’yo ng iyong TRUELOVE.

3.Ang uri naman ng pagmamahal na ito ay handang suportahan ka through good and through bad. Tutulungan kang iimprove pa ang sarili mo. Ipauunawa sa’yo ang kaibahan ng tama at mali. Aakayin ka sa tamang landas kung sakaling ikaw ay maligaw. Gagawing maaliwalas ang araw mo kapag ikaw ay naninimdim. Bibigyan ka ng pag-asa kapag nawawalan ka na nito. At higit sa lahat sasamahan ka sa iyong paglalakbay saan man kayo makarating. Ito ang pagmamahal na inilaan sa’yo ng iyong KAIBIGAN.

4.Ang pagmamahal namang ito ay ang uri ng pagmamahal na hindi mo maipagpapalit sa kahit na anong yaman at kahit na sinong tao sa mundo. Sa kabila ng iyong mga pagkukulang at pagkakamali ay naririyan siya para ipadama sa’yo ang iyong halaga. Ganoon ka rin sa kanya. Uunawain mo ang pinaka nakakainis niyang gawi at huhubugin mo ang kanyang pagkatao. Dadalhin mo siya sa tama at aakayin ka naman niya sa iyong pagtanda. Ang pagmamahal na ito ay galing sa puso ng iyong ANAK.

More Relationships

LGBT

More Heritage

More Filipino Teens

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

More Vegan

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 2, 2018
Next articleChinese Horoscope; Disyembre 2
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here