4 Epektibong Paraan Para Tumaba ng Mabilis

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Lagi ka na bang inaasar na payatot ka o parang kalansay ka na? Hirap ka ba sa diet mo at hindi mo na alam ang gagawin mo para madagdagan ang timbang mo? Basahin ang article na ito para matuto.

1. Kumain ng mga pagkaing masustansya sa protina

Ang sunod na paraan kung paano tumaba ng mabilis pero healthy parin ay ang pagkain ng mga pagkaing maprotina. Ang ating body muscles ay gawa sa protein kung kaya’t makakatulong na magkaroon ng dagdag na intake ng calories para ang mga extra calories sa katawan ay maging muscles at hindi fats. Para madagdagan ang iyong timbang, gawing goal ang 0.7-1 gram ng protein per pound ng iyong body weight o 1.5-2.2 grams ng protein per kilogram. Maari ring itaas ang recommended protein intake kung mas mataas ang calories ng iyong katawan. Ang mga high-protein foods ay ang itlog, karne, isda, nuts, mga dairy products, legumes at iba pa. Ang mga protein supplements gaya ng whey protein ay makakatulong rin sa pagkakaroon ng enough protein sa iyong diet.

2. Kumonsumo ng high-carb at high-fat na mga pagkain

Susunod na paraan kung paano tumaba ng mabilis ay ang pagkain ng mga high-carb at high-fat foods. Ang mga healthy high-carb foods ay gaya ng sweet potatoes, oatmeal, saging at marami pang iba. Ang mga healthy high-fat foods naman ay tulad ng dark chocolate, cheese, avocado, at whole eggs. Siguraduhin ding kumain ng tatlong meals sa isang araw at kumain ng energy dense snacks.

3. Magbuhat ng weights at palakasin ang katawan

Importanteng magbuhat ng weights para naman masigurong ang mga extra calories ng iyong katawan ay nagiging muscles at hindi fats. Magpunta sa gym at magbuhat ng weights ng 2-4 times a week. Subukan dagdagan ang bigat ng weights na binubuhat sa pagdaan ng iyong training.

Kung first time mag-training mas maiging kumuha ng personal trainer para masubaybayan ka sa iyong pagbubuhat. Mas mabuting iwasan din ang mga cardio work-outs dahil maiiburn nito ang extra calories na kailangan mo.

4. Kumain ng mga pagkain na maraming calories

At syempre, huwag kalimutang kumain ka ng pagkaing ma-calories na sobra sa kailangan ng iyong katawan.

Para malaman ang calorie needs ng iyong katawan ay gumamit ng calorie calculator na nakadepende sa iyong edad, kasarian, taas at bigat ng katawan.

Kung gusto mo tumaba nang dahan-dahan at steady lang, i-aim ang dagdag na 300-500 calories na lagpas sa kaniyang i-burn ng iyong katawan ayon sa calculator. Para tumaba naman ng mabilis i-aim ang dagdag na 700-1,000 calorie intake araw-araw na lagpas sa iyong maintenance level.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Hunyo 8
Next article650 NA PAGKAKITA NG UFO SA AMERIKA, INIULAT NOONG 2018
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here