PBSL Week Three

MATAPOS ang Araw ng mga Puso, kinabukasan, Sabado, Pebrero 15, 2020 ginanap sa Multi Purpose Covered Court Ynares Type, San Lorenzo, Taytay, Rizal, ang PhilippineOne Barangay Sports League (PBSL).

Tatlong Game ang bumandera kung saan naglaban sa Game 1: ang Hoop City (Sta. Ana, Taytay) vs Team Mercedes (Mercedes, Pasig); 2nd Game: Dream Team (Sandoval, Pasig) vs Camachile Warriors  (San Juan, Pasig); at Game 3: Team Waiting (Caniogan, Pasig) vs Team Rookie (San Lorenzo, Taytay).

Sa Game 1 nagpakitang gilas ang barangay mula sa Taytay, Rizal, kontra sa basketbolista ng Mercedes, Pasig kung saan dikit ang laban sa unang quarter na nakapagtala ng 20-18 pabor sa Hoop City ng Barangay Sta. Ana.

Sa 2nd Quarter, tuluy-tuloy ang mainit na laro kung saan natapos ang 1st half at pumabor ang laban sa Barangay Mercedes kontra sa Sta. Ana na nagtala ng 43-42.

Sa 3rd Quarter, binawian ng Hoop City ang Mercedes Team kung saan nagtala ang laro sa 70-61. Samantala sa huling quarter (4th)  mas naging matindi ang laban ng Sta. Ana at Mercedes dahil tinapos nito ang 4th quarter sa score na 86-86 na naging dahilan upang mag-overtime (OT game) ang laban.

Sa Overtime game tuluyan nang tinapos ng Team Mercedes ang laban sa Hoop City at tinalo ang Sta. Ana sa score na 104-96.

Ang Team Mercedes ay pinangunahan ni John Peter Busing (No.14) na nagtala ng 35 points. (Game 2 below)

Sa Game 2, naglaban naman ang Dream Team ng Sandoval, Pasig at Camachile Warriors ng San Juan Pasig. sa unang quarter nagpakitang gilas agad ang Dream Team kung saan tinambakan nito ang Camachile Warriors sa score na 25-9, habang sa second quarter ay patuloy namang lumaban ang San Juan, Pasig at pinilit na ibaba ang kalamangan ng Sandoval, Pasig sa score na 36-41. Nagpatuloy ang laban sa third quarter kung saan lamang pa rin ang Dream Team sa Camachile Warriors (63-47). Sa 4th quarter hindi na binigyan ng pagkakataon ng Barangay Sandoval ang Barangay San Juan at tuluyang tinambakan ang kalaban na nagtapos sa score na 86-61.

Sa Game 3, naglaban naman ang Team Rookie ng Barangay San Lorenzo, Taytay, Rizal at Team Waiting ng Barangay Caniogan, Pasig.

Dikitan ang naging laban ng San Lorenzo at Caniogan kung saan sa kalagitnaan ng second quarter ay nagkadikitan at hawakan hanggang sa natumba sina Frits Evangelista (7) ng Team Waiting at Bueno (6) ng Team Rookie.

Hindi pinayagang makadikit ng Caniogan ang San Lorenzo sa apat ng quarter ang kanilang score kung saan tinalo ng Team Waiting ang Team Rookie sa score na 66-63.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here