3 Zodiac Signs With Great Senses of Humor

0
339

Latest posts by Madame Yna (see all)

Sa buhay natin hindi maaring hindi tayo makakakilala ng tao na may great sense of humor. Kung minsan ito ay miyembro ng ating pamilya at kadalasan naman ay matatagpuan natin ito sa circle ng ating mga kaibigan. May lalabas at lalabas na komedyante sa isang grupo. Sa mga zodiac signs, sinu-sino nga ba ang may kakayahang magpatawa at magpasaya ng mga tao?

1.GEMINI

Ang Gemini ang pinaka-talented pagdating sa pagpapatawa. Palagi siyang may itinatagong jokes sa kanyang bulsa. Kahit sa anupamang sitwasyon ay kaya niyang hanapan ng joke. Gagawa siya ng paraan para maisingit ang biro lalo na sa isang awkward moment. Kung meron kang mga ikukuwento sa kanya, asahan mo na ang kanyang nakakatawang komento. May kakayahan siyang patawanin ang lahat ng nabo-bored na tao sa isang kuwarto. Siya ang tipo ng tao na may likas na karisma sa pagpapatawa.

2.CANCER

Ang isang cancer ay madaling humanap ng katatawanan sa kahit na anong sitwasyon at pagkakataon.Ultimong sa kaliit-liitang bagay ay makakakita siya ng katatawanan. At sisiguraduhin niya na hindi lang siya ang tatawa sa kanyang jokes kundi ang sinumang kasama niya. Ayaw niya sa mga boring na tao. Dahil madali siyang makakita ng katatawanan kaya naman hindi ka magdadalawang isip na makasama siya sa lakaran. Hinding hindi ka niya bibiguin kung nais mo na tumawa at maging masaya.

3.SCORPIO

Hindi man pansin ng isang Scorpio, pero nagagawa niyang patawanin ang kanyang kasama sa hindi sinasadyang paraan. Hindi siya takot na magbitaw ng joke tawanan man ito o hindi ng iba.  Kahit pa nasa gitna siya ng isang seryosong sitwasyon, kaya niyang magpangiti ng mga taong wala sa mood. Kung minsan ay namimisinterpret ng ibang tao ang kanyang biro pero hindi siya magpapaapekto as long as mas marami ang kanyang napapatawa kaysa hindi.

Masaya naman talaga ang magkaroon ng mga kaibigang komedyante. Nagagawa nilang pagandahin ang araw natin lalo na kung tayo ay tigib ng problema. Masarap silang kasama sa mga panahon na naiirita ka  gaya ng kapag naipit kayo sa traffic, o masyadong mahaba ang pila sa lrt o kaya naman ay may hinihintay kayong hindi pa dumarating. Lalo na sa mga panahon na ikaw ay broken hearted, siguradong magiging medicine mo ang kaibigan mong may talento sa pagpapagaan ng puso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here