3 Tips Kung Paano Mabubuo Ang Tiwala Sa Sarili

0
206

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ikaw ba yung tipo ng tao na kinakapos ng tiwala sa sarili? Kung medyo nahihirapan ka sa pagbuo ng tiwala sa sarili mo, narito ang mga tips na maaaring makatulong sa’yo.

1.Paunlarin ang sarili. Hindi lamang ito tungkol sa kabuhayan kundi sa iyong pisikal na kaanyuan at sa nilalaman ng iyong isipan. Ang una muna ay sa iyong pisikal na kaanyuan. Dapat mong siguraduhin na ikaw ay may malusog na pangangatawan nang sa gayon ay hindi ka lamang maiiwas sa sakit kundi magiging kaaya-aya rin ang iyong kaanyuan sa paningin mo at ng ibang tao. Dapat na maayos din ang iyong personal hygiene. Masustansiyang pagkain, sapat na tulog at ehersisyo, iyan ang mga bagay na hindi mo dapat kinakalimutan. Bukod sa iyong pisikal na kaanyuan, dapat mo ring paunlarin ang iyong kaisipan. Magbasa nang magbasa upang maraming matutunan at dapat mo ring matutunan ang pagkakaroon ng mabuting kaisipan. Kung ikaw ay physically fit at may malawak na kaisipan, hindi ka mahihiyang humarap sa kahit na kaninong tao.

2.Magtala ng mga pangyayari. Maaari kang gumawa ng isang diary kung saan ay magagawa mong isulat at ipahayag ang iyong damdamin. Maaari mo ring itala ang mga pangyayari sa iyong buhay. Kung meron kang libreng oras, basahin mo ang nilalaman ng bawat pahina at obserbahan mo ang iyong sarili kung nagagampanan mo ba ng tama ang pagiging IKAW sa lahat ng oras. Kung may naitala kang pagkakataon na sa tingin mo ay kinulang ang tiwala mo sa sarili, dapat na hindi na ito maulit at mapaghandaan mo na sa susunod ang dapat mong gawin. Malaki ang maitutulong ng diary sa pagbubuo mo ng tiwala sa iyong sarili.

3.Makihalubilo. The more na marami kang nakakausap na tao ay the more na lumalawak ang iyong mundo at hindi mo namamalayan na unti-unti mo nang nakakasanayan ang pakikihalubilo sa maraming tao. Kung sa bawat tao na nakakausap mo ay nadaragdagan ang lakas ng loob mo, siguradong hindi magtatagal at magkakaroon ka na ng self confidence na makiharap sa mas marami pa. Sa ganitong paraan ay malalaman mo na ang lahat ng tao ay may iba’t-ibang ugali, talento, kakayahan at iba’t-ibang level ng pagtitiwala sa sarili. Dito papasok kung anong level ang makakaya mong ibigay para sa sarili mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here