3 SECRET HABITS OF A VEGAN

1.May mga vegan na hindi na tumitingin sa menu ng isang vegan restaurant. Bago pa man kasi siya magpunta doon ay nahanap na niya ito sa google. Once na makapunta na siya sa restaurant ay sisipatin niyang mabuti na parang imbestigador kung tama ang mga sangkap. Kung may sobra o may kulang. Kung anuman ang makita niyang mali ay hindi pwedeng hindi niya ito sasabihin sa in-charge. Pero kung nagustuhan naman niya ito ay asahan mo na pupurihin niya ang in charge sa foods bago siya lumabas ng restaurant.

2.Sa mga okasyon like wedding and birthday, kadalasan ang inihahain sa mga vegan bilang desserts ay mga prutas. Pero dahil palagi na nga lang prutas ang option ng isang vegan sa kanyang dessert, there are times na gusto rin niyang makatikim ng iba like chocolates. May vegan kasi na gusto rin ng matamis. Yung magtatanggal ng umay sa kanyang dila mula sa kanyang kinain.Nae-excite sila sa pagkain nito na tinawag nilang vegan chocolate. Ito ay para lang din masatisfy ang kanilang sariling panlasa.

3.Kapag ikaw ay sumalo sa pagkain sa isang vegan, asahan mo na ang mga kuwento niyang kukumbinsi sa’yo para ikaw din ay maging tulad niyang vegan. Halimbawa kayong magkakaibigan ay magkakasalo sa isang dinner, huwag kang magtaka kung bakit ibibida niya sa inyong lahat ang naging pagbabago sa kanyang buhay at pangangatawan mula nang siya’y maging isang vegan. Hindi ito isang simpleng pagkukuwento lang, kundi paraan niya ito para maipakita sa inyo ang kabutihang dulot ng isang vegan hanggang sa kayo ay makumbinsi niya na maging vegan din.

Ang isang vegan ay may mga rules na sinusunod. Ito ay para sa ikakabuti rin ng kanyang kalusugan. Subalit tulad ng pangkaraniwan, mayroon din siyang nalalabag kung minsan. At meron din naman siyang tinatawag na nakaugalian na lang, tulad ng kanyang mga habits na parang parte na sa kung ano siya bilang vegan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here