3 Matitinding Rason Kung Bakit Dapat Iwasan Mag-Cellphone Bago Matulog

0
160

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Ang radiation ng mobile phone ay hindi na isang sikreto sa mga taong nakakaalam na may malala at delikadong epekto ito sa sanlibutan balang araw. Nasa panahon na tayo ng information age at nakadepende na tayo sa ating mga mobile phones, pero hindi pa rin mahirap paniwalaan na maaari pa rin itong gamitin in moderation. Ang isyu sa mobile phone radiation ay alarming at disturbing talaga, lalo kapag na-expose ang isang tao dito ng sobrang tagal. Ang blue lights na lumalabas sa cellphone ay maaaring magdulot ng malalang mga sakit sa isang tao.

Yung blue lights ay kabilang sa light spectrum na isang grupo ng mga kulay sa ray of light at pinapakita lamang nito na walang pagkakaiba ang pagkaka-expose ng sobra sa araw at sa pagkaka-expose sa mobile phone. Sa ilang mga paraan, ikaw ay nalantad sa ganitong uri ng liwanag sa gabi na may mataas na emitting levels ng mga mobile phone na lubhang nakakapinsala para sa mga mata ng tao.

Narito ang mga health issues na nauugnay sa paggamit ng mga smart phone sa gabi:

1. Naaapektuhan ang oras ng pag-tulog mo

Ang blue light ay may kakayahang guluhin ang produksyon ng melatonin, at ang hormone na ito ay kumokontrol sa sleeping cycle ng katawan. Kung ang katawan ay kulang sa pagtulog, ang baluktot na cycle ng pagtulog ay magreresulta sa maraming mga problema sa kalusugan, na kinabibilangan ng mga sumusunod:

-Bigla ka na lang made-depress

-Madadagdagan ang timbang mo

-Cardiovascular issues

-Ang pagiging alerto ng memorya mo ay maaapektuhan

-Magmumukha kang matanda at mabagal mag-respond sa mga bagay

2. Maaari nitong ma-damage ang mata mo

Ang exposure sa blue light sa gabi aynakaka-damage sa parehas na retina at muscular degeneration mo, na maaaringmag-resulta sa pagkawala ng paningin mo o ang abilidad mo na makakita nang nasaharapan mo, pati na rin ang pagkakaroon ng katarata.

3. Tumataas ang risk ng cancerAng elevated light sa gabi ay nagreresulta sa naantalang pagtulog at ang kadahilanang ito ay nagdaragdag ng panganib ng kanser, lalo breast at prostate cancer. Ang melatonin ay isang malakas na antioxidant at ito ay ang natural na sandata ng katawan sa paglaban sa kanser, gayunpaman, ito ay hinarangan ng blue light. Kung nangyari ito nang isang beses, ito ay maaaring maging isang malaking problema sa kalusugan, ngunit kailangan mong ilagay sa isip na ang patuloy na paggamit ng mga mobile phone sa gabi ay humahantong sa malubhang mga isyu sa kalusugan.

FINAL NOTE: Hindi masamang gamitin ang mobile phone mo sa gabi lalo kung emergency at kung urgent na talaga na gamitin mo ito. Importante lamang na matandaan mo ang paggamit nito in moderation. Lagi mo isipin ang consequences nang matagalang paggamit nito para mas maging responsable ka sa iyong kalusugan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here