#28 – Ateneo de Manila University vs De la Salle University

0
48
UAAP Season 80

Ang pinaka aabangan na laro sa UAAP ang Lasalle-Ateneo game. Marami ang naghintay at hindi naman nasayang ang kanilang paghihintay dahil sila ay binigyan ng napagandang laban at tapusin ito sa makapigil hiningang 76-75 final score at manalo nga ang Ateneo. Hindi naging madali dahil mahirap kalaban ang DLSU.

Nanalo rin sila dahil sa tulong bawat isa mula rookie hanggang mga veterans kaya tuluyan na nga nilang naisweep ang buong first round.

Samantala na huling isang minuto ng laro doon lumabas ang puso ng bawat isa . Nagawa pa ni Ben Mbala na ilipat sa kanila ang kalamangan pero hindi dito pinatapos ng Ateneo ang istorya ng laro. Isang maayos na lang na inbound ang kinailangan ng La Salle upang makuha ang panalo ngunit gumawa pa rin ng paraan ang Ateneo upang maistop at bumalik sa kanila ang possesion.

Nagawa ngang isave ni Gian Mamuyac ang bola upang maipasa ito kay Nieto para naman makuha ang foul. Pagkatapos nga ay pinakitaan niya ng puso ang mga nanonood at nagawang ishoot ang bola ng dalawang beses upang makuha at mabalik sa kanila ang kalamangan.

Sa kabuuan nakakuha si Matt Nieto ng 23 points 4 rebounds. Siya rin  ay tinulungan nina Asistio at Jolo Mendoza na may 14 at 10 points . Napagtagumpayan din naman ng Ateneo ang pagdepensa kay Reigning MVP Ben Mbala na naging isa din sa dahilan kung bakit sila nanalo siya lang ang may 18 points kung titignan malaki pa rin pero ang average niya per game is 33.

Samantala ito na ang ikalawang talo ng La Salle pero nag- tie naman nila ng Adamson ng may 5-2 na kartada.

Tapos na ang first round pero dito pa lang tayo nagsisimula. Madami pang pwedeng mangyari

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here