21ST CENTURY, HULING SIKLO NA NG PANAHON BATAY SA ‘THE APOCALYPSE 2100’

Ravenson Biason

Ang aklat ng Apocalipsis na siyang huling aklat ng Bagong Tipan at ng buong Biblia ay isinulat ng apostol na si Juan sa pulo ng Patmos kung saan siya ipinatapon.

Ang naturang aklat ay naghahayag ng mga hula, pangitain, tungkol sa mga bagay na darating at mangyayari sa daigdig na ang iba ay natupad na sa kasaysayan. Ngunit, ang mga tanda at mga pangitain na ito ay may mas malalim pang pangitain na mauulit muli sa ibang paraan.

Kumbaga, ang naulit na ay maaaring maulit pa sa ibang anyo o kaganapan. Ngayon, sasangguniin natin mga tala sa isang maselang aklat na naglalaman ng mga lihim pa ng aklat ng Apocalipsis na “The Apocalypse 2100 o Earth 2100” (The Final Century of Civilization). Ito ay isa ring documentary na kung saan ay ang ika-21 siglo ay siyang huling siklo na ng panahon na sa kasaysayan ng daigdig. Dito rin natin malalaman kung ano ang mga posibleng mangyayari sa susunod pang 80 taon. Wala nang magaganap na ika-22 siglo o hindi na aabot ang sangkatauhan sa gayung panahon.

Narito ang ilang paglalahad ayon sa naturang aklat at documentary na inilabas noon pang 2009 at inihayag din sa Radio Frenzy sa Baton Rouge Louisiana, USA:

Ang New York Atomic Apocalypse–   Maaaring ito raw ay posible at magaganap sa susunod pang 80 taon. Ang naturang bomba atomica ay hindi literal o likha ng terorismo. Kundi, sisirain ang naturang lungsod ng mga mapaminsalang meteors o asteroid Cleopatra.

Insect Battles in United Kingdom- Gugulantangin ang naturang nasyon ng pag-take ng mga pulutong ng mga insekto na maglalaban-laban dahil sa pagkain. Sisirain nng mga insekto ang halos ikatlong bahagi ng mga pananim sa Inglatera. Ang London ay matatabunan ng mga lasa-laksang insekto gaya ng balang, kuliglig, mariposa, at iba pang gaya nito.

Tsunami sa AfricaBibihirang salantain ng ganitong kalamidad ang naturang kontinente. Subalit, dahil sa paqglala ng Climate Change o weather shifting, sasalantain ang mga nasyon sa naturang kontinente ng Tsunami at Tidal Waves. Ang mga bansang malapit sa Dagat Mediterano at sa rutang Cape of Good Hope ang maapektuhan.

Pagkatuyo ng mga Dagat at Ilog at lawa–  Ang mga maliliit na mga dagat o Inner sea’s ay maaaring matuyo sa sinasabing matinding El Nino sa kontinente ng Europa, North at South America, at Africa dahil sa Climate Shift sa taong 2064. Kabilang na nga rito ang Amazon River, sa Brazil, Lower Eufrates at Nile (sa bandang Aprika na), Salt Lake City sa Utah, Niagara falls (about 1/3 of it’s water).

Pagkasira ng planetang JupiterAng pagbabago sa sistemang solar  at sa kabuuan ng Milky Way Galaxy sa susunod pang 40 taon ay tunay na mapanganib sa ating planeta. Ang mga debris na mula sa mga sumabog na ibang heavenly bodies sa layong 500,000 milya sa labas ng Solar System ay tatama sa planetang Jupiter. At dahil sa ito nga ang pinakamalaking planeta ay siya ang sasalo ng mga debris upang maprotektahan ang ibang planeta kasama ang Earth.

Ani ni Prof. Shlomo Sand ng Tel Aviv, Israel at ni Jerkins ay isa nga sa mga natupad na tanda sa aklat ng Apocalipsis ang Una at Ikalawang Digmaan Pandaigdig (Apocalipsis 7:1-3 at Apocalipsis 8:1). Ang tanong, magkakaroon pa ba ng digmaan gaya ng naganap sa nakalipas na siglo? Posible aniya kung ang mga salik na magpapatupad dito ay matutuloy. Alin ang mga ito? taggutom, kolonyalismo, kasakiman sa likas na yaman, rasismo, at pagkakaiba ng paniniwala.

Ang Apat na Red Beast- Ito ay hindi literal na mga halimaw. Kundi, sila ay mga makapangyarihang nasyon sa daigdig. Sila ay susuong sa mga kompetisyong pangkalawakan upang iluklok ang katanyagan ng kanilang nasyon at kaningningan nito. Ayon kay Jerkins, ito ay ang mga bansang U.S.A, Russia, China, at India na nagsusumikap makatuklas ng maaaring pagsibulan ng buhay sa ibang planeta bukod sa Earth.

Pagdaan ng NibiruSinasabi noon sa 2012 Conference na idinaos sa San Francisco, California noong Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 2008, ang naturang planeta ay daraan sa Earth sa taong 2012 na magdudulot ng matinding kalamidad. Sinasabing sa nakalipas na petsang Disyembre 21, 2012 ay katapusan na raw ng mundo. Ngunit, ang ganitong hinagap ay mali. Sa pagtantiya ni Sand at ni Steve Durst, ang posibleng pagdaan ng Nibiru sa Earth ay sa taong 2030 o 2036 pa. Kapag nangyari ito, maaaring matapyas ang 2/3 ng ating buwan.  Ngunit, totoong napakalapit na ng Nibiru sa ngayon na isa sa mga palatandaan nito ay makikita nating kulay pula minsan ang kalangitan tuwing gabi o sa madaling araw.

Little Iced AgePinangangambahan ng ilang siyentipiko na maaring magkaroon ng iced age o ang mundo ay magyeyelo sa taong 2014. Ngunit, ang ilan ay naniniwalang magaganap ito sa taong 2060 pataas na tatagal ng 20 taon.

Galaxy ExplorationDahil sa paglago pa ng karunungan, susuungin na ng tao ang paglalakbay o pagtuklas sa ibang galaxy sa susunod na 120 taon  Kung hindi pa magwawakas ang mundo). Ito ay tatawaging Galaxy Exploration.

Ang Aquarian AgeTinatawag ding ‘Age of Aquarius’. Sa mga panahong ito, talagang hahahanapin na ng mga tao ang kinaroonang galaxy ng mga Extra Terrestrials gayun din ang kanilang civilization. Sinasabing nagsisismula nang uminog ang naturang panahon noon pang Mayo 5, 2000 na magtatapos naman sa taong 2160 dahil sa sinisunod na pag-inog tuwing 2,160 taon. Sinasabi rin ng iba na ang taong 2012 ang siyang simula ng naturang panahon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here