2019 NCOV – Kumpirmado Na Sa Pilipinas

Ito na nga ba ang pinangangambahan natin, kumpirmado na rin sa Pilipinas ang kinatatakutan nating coronavirus. Nakumpirma ang kauna-unahang kaso ng 2019 NCOV sa Pilipinas nang magpositibo sa laboratory test  sa Australia ang isang 38 years old na babae na mula sa Wuhan China. Ang sample ng Chinese woman ay isa sa anim na ipinadala sa Victorian Infectious Disease Reference Laboratory sa Australia. Ang pasyente ay dumating sa Pilipinas mula Wuhan via Honkong noong January 21. Dahil sa kanyang mild cough ay na-admit siya sa DOH hospital noong January 25 at sumailalim sa mga pagsusuri. Ang babaeng pasyente ay isa sa dalawampu’t siyam na minomonitor. Lima sa kanila ang na-discharged na subalit patuloy pa ring imomonitor habang ang dalawampu’t tatlo pa ay nananatili sa ospital at sumasailalim pa rin sa imbestigasyon at mga test. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang nasabing pasyente na nagpositibo ay wala ng lagnat at hindi na rin kinakitaan ng mga sintomas. Sa kabila nito ay kinakailangan pa rin niyang manatili sa ospital.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Ferchito Avelino, inaalam na ang mga lugar na napuntahan ng pasyente at ang mga tao na posibleng nagkaroon ng contact dito. Sinasabing ang pasyente ay nagbiyahe rin sa Cebu at Dumaguete. Dahil dito ay lalo pang hinigpitan ang pagbabantay sa mga pumapasok sa bansa kasabay nito ang pagpapahinto sa pagbibigay ng visa sa mga biyahero mula sa Hubei Province. Umaapela naman si Health Secretary sa mga mamamayan na manatiling kalmado kaugnay ng unang kaso ng 2019 NCOV sa Pilipinas. “I assure the public that the Department of Health is on top of this evolving situation. We were able to detect the first confirmed case because of our strong surveillance system, close coordination with the World Health Organization and othet national agencies. I advice the public to stay calm and be vigilant at all times.” He said.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here