2018 Para Sa Mga Kpop Fans Sa Pinas

0
324

NAPAKARAMING  concerts sa susunod na taon. Pero, hindi lang ang mga mahihilig sa Western singers at artists ang masuwerte. Madami rin mga Kpop idols at mga grupo ang magdadaos ng concert at fan meets nila rito.

Unang-una na sa listahan ay ang fan meeting ng boy group na SF9. Sunod sa kanila ay ang grupo na nabuo dahil sa Produce 101 season 2, ang JBJ. Sa January parehas ang concert nitong dalawang boy groups na ito.

Kung di ka naman mahilig sa maraming miyembro at puro lalaki, sila ang dapat mong panoorin. Isa na sa mga siguradong pupunta ay ang coed na rookie group na KARD. Sila ay magpa-fanmeet dito sa February.

Tiyak naman na iniintay na ng mga Exo-L ang April dahil nagbigay na ng hint ang inang reyna ng mga kpop fans na si Happee Sy. Sinabi niya na baka April ay mag-concert muli rito ang sikat na sikat na boy group na EXO.

Isa pang hinihintay ng karamihan sa mga fans ay ang monster rookies na Wanna One. Malaki ang posibilidad na makasama angPilipinas sa kanilang world tour at magdaos dito ng solo concert.

Pero, ang pinakahihintay nang lahat, lalo na ng mga lumang fan katulad ko ay ang Super Show 7 na concert ng beteranong grupo na Super Junior. Nag-comeback sila nitong taon at magwu-world tour next year. At dahil napakarami pa rin nilang fans dito ay tiyak na babalik sila dito para sa concert.

Sigurado ako na madami pang ibang grupo na pupunta. Umaasa ang mga army nababalik ang BTS ngayon taon. Umaasa din ang mga fans ng Got7 at Monsta X na baka sakali sila ay mapadpad muli sa Pilipinas.

Napakahirap naman maging fan ng mga girl groups dahil sobrang dalang nila magpunta dito. Umaasa ako na kapag nag world tour o Asian tour ang Red Velvet, Twice, Gfriend, Apink, at Mamamoo ay magpupunta sila dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here