10 Super Helpful Tips Para Maka-Get Over Sayong Long Term Relationship Break-Up

Wala nang mas sasakit pa kapag nanggaling ka sa isang long term relationship break-up. Hindi mo na alam ang gagawin mo dahil siya na ang nakasama mo sa halos buong buhay mo. Paano na ang gagawin mo ngayon?

Kahit nasa isang emotional rollercoaster ka, you have to get over it somehow, so basahin ang super helpful tips na ito para maharap mo ang susunod na araw.

1. Bigyan mo ang sarili mo maging malungkot

Huwag mong piliting maging masaya kung hindi ka masaya, dahil masu-supress lang lahat ng nararamdaman mo. Umiyak ka hangga’t gusto mo at ilabas mo lahat ng nararamdaman mo. Kung gusto mong magsulat, go ahead. Express how you feel, don’t conceal it.

2. End all communication with him/her

Huwag mo na siya i-stalk sa social media accounts mo. Dapat ay hayaan mo rin sarili mo mag self-heal. Hindi mo siya kailangan at dapat ay mapatawad mo na siya.

3. Gamitin mo ang small victories para sukatin ang progress mo

Celebrate small victories. Kapag hindi ka na umiiyak, celebrate. Kapag nakakalimutan mo na siya, celebrate!

4. Eat healthy food

Baka napapabayaan mo na sarili mo. Dapat ay siguraduhin mong healthy ka pa rin kahit sad ka.

5. Maging busy ka sa trabaho

Focus on your career and see the good effects kapag busy ka na sa work. Hindi mo mamamalayan, nakalimutan mo na ang pain mo sa heart mo.

6. Talk to friends

Go out and meet your friends. Sabihin mo sa kanila lahat ng nararamdaman mo, siguradong maiintindihan ka nila kahit anong mangyari.

7. Bumalik ka sa hobby mo

Kung mahilig kang mag mountain climbing, do it again! Baka may parte na sa sarili mo na nakalimutan mo na rin dahil sa kalungkutan mo. Pero life has to go on, you have to move on.

8. Reflect on the hard lessons you gained from this

It’s time to give yourself time for reflection. Isipin mo ano ang mga napulot mo sa break up ninyo pero don’t go on thinking about the negative things. Wag mo i-overthink. Isipin mo na sa lahat nang ito, natuto ka at bumangon ka.

9. Let go and Let God

Go back to your Creator and thank Him for the life He gave you. He made you to be excellent, so don’t fear over the plans He has for you. Malay mo, bibigyan ka pala kasi niya ng mas tamang tao para sayo.

10. Love, still

Huwag kang makalimot magmahal. Love above all. Don’t be afraid to love again.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here