10 Paraan para Mapanatiling Matibay ang Relasyon

145

HINDI porke nagpalitan na kayo ng ‘I do’ ng mahal mo ay nakasisiguro kang magkakaroon kayo ng happy ending. Kung minsan kasi’y nawawala ang pag-ibig kapag di nagkakasundo ang mag-asawa. Hindi mo rin naman siguro gustong mangyari iyon, ano? Kaya, kailangan mong malaman ang 10 Paraan para mapanatiling Matibay ang Relasyon.

  1. Bumati sa partner kapag dumarating – Kung lagi kang babati sa’yong ka-partner kapag ikaw ay darating parang pinatutunayan nito na masaya ka sa kanya lalo na siyempre kapag ang pagbating iyon ay may masarap na halik at mahigpit na yakap.
  2. Mag-date pa rin – Hindi porke mayroon na kayong mga anak ay hindi na rin kayo lalabas  na magkasama. Importante na mayroon pa rin kayong oras sa isa’t isa. Sa pamamagitan kasi nito ay mas nakikilala pa ninyo ang isa’t isa. 
  3. Huwag kaliligtaan ang anniversary ninyong dalawa – ‘Yan ang pinakaimportanteng araw sa inyong dalawa. Kaya, huwag na huwag mo ‘yang kalilimutan kung ayaw mong magkalamat ang inyong relasyon. 
  4. Makipagkuwentuhan – Sa pamamagitan ng simpleng pagbabahaging naganap sa araw na iyon ay magagawa mong ipadama sa kanya na sobrang importante siya sa’yo. 
  5. Purihin mo ang iyong partner – Umaangat ang tingin ng iyong mahal sa kanyang sarili sa tuwing nagsasabi ka ng magaganda tungkol sa kanya. 
  6. Sabihin mo lagi sa’yong  partner na mahal mo siya – Kahit pa sabihing action speaks louder than voice, mas maigi pa ring ipinaririnig mo sa’yong partner kung gaano mo siya kamahal. 
  7. Tumingin ka lagi sa kanyang mga mata – Sa’yong mga mata ay makikita niya kung gaano mo siya kamahal.
  8. Iwasan ang paggamit ng gadget kapag kasama mo ang iyong partner – Iyon ang makagpatunay na importante siya sa’yo. 
  9. Maging sweet sa partner – Kahit na kasal na kayo, kailangan naman ay pakiligin mo a rin siya palagi. Kag ginawa mo iyon, lalong yayabong ang pagmamahal niya para sa’yo. 
  10. Isorpresa mo siya kapag may okasyon – Kapag nagbibigay ka ng effort sa’yong mahal tulad ng paghahanda sa kanyang birthday o anniversary ninyo ay mas lalo kang mapapamahal sa kanya. 

O,magagawa mo ba ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here