10 Nutritional Benefits from a Vegan Diet

0
230
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

Mula sa vegan-diet ay may mga nutrisyonal na benepisyo tayong makukuha. Ito naman ang habol natin at inaasahan natin sa pagswitch natin sa vegan-diet. Alamin natin kung anu-ano nga ba ang mga nutrisyong ito na kapaki-pakinabang sa ating kalusugan.

1.Antioxidants.Ito ay proteksyon para sa pagkasira ng ating cell.Malaki ang naitutulong nito para maiwasan ang pagbuo ng kahit na anong uri ng kanser sa ating katawan.

2.Carbohydrates. Ang carbohydrates ang nagbibigay ng lakas para sa ating pangangatawan.Kailangan ng ating katawan ng sapat na carbohydrates upang maiwasan na ma-burn ang ating muscle tissue.

3.Fiber. Ang fiber ay malaki ang tulong na nagagawa para maging maayos at regular ang ating pagdumi.Nilalabanan din nito ang sakit na colon cancer.

4.Folate. Ang B Vitamin na ito ay may importanteng ginagampanan para sa ating healthy diet. Tumutulong ito sa pag-aayos ng cell, sa pagbuo ng red and white cells gayundin sa pagmemetabolize ng amino acids.

5.Magnessium. Ang magnessium ay kalimitan nating nakukuha sa dark leafy greens, nuts and seeds. Ang importansya ng bitaminang ito ay madalas ding hindi napapansin. Subalit ito ay importante sa absorption ng calcium.

6.Protein. Hindi na nakakagulat ang buting naidudulot sa ating katawan ng protina.Ang tamang amount nito ay makukuha natin sa pagkain ng mga soy products, beans, nuts,and peas.

7.Phytochemicals. Ang plant-based foods ang siyang nagpo-provide ng phytochemicals na siyang kailangan natin para maiwasan ang cancer. Tinutulungan din nito ang protective enzymes at nagsisilbi rin katuwang ng antioxidants sa ating katawan.

8.Potassium. Ang potassium ang siyang bumabalanse sa water and acidity sa ating katawan at siya ring nagpapasigla sa kidneys para maalis nito ang mga toxins. Ang diet na may mataas na potassium ay nakakatulong para makaiwas sa panganib ng cardiovascular diseases at cancer.

  1. Vitamin C. Bukod sa pagpapasigla ng ating immune system, ang vitamin C ay nagsisilbi rin bilang antioxidant. Pinapanatiling matibay ang ating gums at tumutulong sa madaliang paghilom ng ating sugat.

10.Vitamin E. Malaki naman ang naibibigay na tulong ng Vitamin E para sa ating mga mata, balat, utak at puso. Nakakatulong din ito sa pag-iwas sa Alzheimer’s disease.

More Relationships

More Heritage

More Filipino Teens

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

More Vegan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here