10 Body Language Signals na Nagsasabing Cheater Siya

1
209

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Hindi na nawawala yung kutob sayo. Hindi mo na maalis na mag-isip nang masama sa kanya dahil sa gut feel mo. All at the same time, ayaw mo siya husgahan dahil hindi mo pa naman naranasan ang lokohin. So ano ang gagawin mo?

Sabi sa isang communication theory, when it comes to communication, 10% lang ang impact ng verbal communication kumpara sa non-verbal communication na 90%. Ibig sabihin, mas makakakuha ka ng signals sa isang tao mula sa kanyang mga gestures, expressions at paraan kung paano magsalita.

I find it important to explain this para makatulong sayo lalo ang 10 body language signals na i-e-enumerate ko dito. Read on.

 

  1. Nagse-self groom siya pag biglang napag-uusapan ang infidelity

Kapag bigla ka nagkwento sa kanya tungkol sa kaibigan mong niloko ng boyfriend niya, makikita mong aayusin niya bigla ang buhok niya at aayusin ang kanyang damit. Ibig sabihin nito, may parte sa kanya na nag-huhugas kamay. Anxious siya bigla dahil may tinatago siya sayo.

 

  1. Nagno-nod siya kahit ang sinasabi niya sayo ay “no”

Sabi nang isang body language expert, isa itong akto nang pag-sisinungaling.

 

  1. Tinatapik ka niya sa likod pag niyayakap mo siya

Alam mo yung kapag may isang taong gusto kang yakapin tapos ayaw mo silang yakapin eh tinatapik mo na lang sila sa likod? Kung ganyan din ginagawa ng partner mo sayo, malamang ay may infidelity sa part niya. Isang sign yun na ayaw niyang maging intimate sayo.

 

  1. Meron siyang expression ng galit sa mukha for a split second

May involuntary muscles tayo at kung ang partner mo ay pinapakita na isa sa involuntary expression niya ay galit, ibig sabihin ay lagi siyang alerto sa confrontation. Lagi siyang on the guard kaya may nakahanda siyang expression na ganun.

 

  1. Tinatago niya ang kamay niya

Kapag maraming tinatago ang partner mo sayo, madalas niyang tinatago ang kamay niya. Minsan nasa bulsa niya ito. Ibig sabihin nito, hindi niya kayang i-reveal ang sarili niya sayo.

 

  1. Tinatakpan niya ang bibig niya kapag nakikipag-usap tungkol sa fidelity

He’s holding back information. Kapag sa pagiging tapat na ang topic, mas madalas niyang takpan ang bibig niya dahil hindi niya kayang maging honest sayo.

 

  1. Kapag medyo sensitive ang topic, nag-iiba ang eye patterns niya

Makikita mong kung saan saan siya tumitingin at hindi niya kayang tingnan ka straight sa mata mo.

 

  1. Sobrang private na niya sa telepono niya

Hindi mo na basta pwedeng buksan ang phone niya. May password na ito at nagagalit siya kapag pinapakielaman mo cellphone niya.

 

  1. Iba na rin ang speech patterns niya kapag pinag-uusapan ang fidelity

Nauutal siya kapag nag-uusap kayo tungkol sa inyong dalawa. Hindi siya komportableng kausap ka at hindi niya kaya magsalita ng tuloy-tuloy.

 

  1. Lagi na siya nag-aayos, na hindi niya ginagawa noon

Lagi siya tumitingin sa salamin para ayusin ang damit niya, buhok niya at mukha niya.

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articlePahula 118: Solusyon para hindi iwanan
Next articleChinese Horoscope July 2
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

1 COMMENT

  1. Hello, Camille Jacinto
    I’m a great fan of your blog. When I’m thinking about online news portal, then this website is the best place to find every information. Thanks for sharing this helpful article.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here