10 Bagay sa Feng Shui na magpapalakas ng suwerte sa career

0
1872

May mga partikular na bagay sa Feng Shui na labis na nakapagpapalakas ng iyong oportunidad para maakit ang suwerte sa iyong trabaho o lugar ng trabaho. Narito ang ilan sa kanila at basahin kung paano makukuha ang pinakamabisang paraan ng paggamit sa mga bagay na ito.

10 Bagay sa Feng Shui na magpapalakas ng suwerte sa career! 

Dragon Water Fountain

May ilang simbolo lamang na nakalalagpas sa kasikatan ng Chinese Dragon sa mga gumagamit ng Feng Shui. Ang Dragon ay sinasabing gumagawa ng napakahalagang cosmic Chi na nagdadala ng magandang kapalaran sa ating mga tahanan at lugar ng trabaho. Ang paglalagay ng Dragon kasama ang gumagalaw na tubig ay mas malakas. Maglagay ng ganitong klase ng tubig sa Hilaga para sa walang patid na tagumpay sa iyong propesyon, o kay naman ay sa Timog-silangan para sa maraming suwerte sa kayamanan.

Crystal Globe para sa Tagumpay

Ang crystal globe ay isa sa pinakamakapangyarihang nagpapalakas para sa tagumpay sa anumang larangan na may kaugnayan sa edukasyon, literatura, publishing, media at communications. Kung nagtatrabaho sa isa sa mga larangang ito, ang pagkakaroon ng crystal globe sa iyong desktop kung saan ka nagtatrabaho ay magdadala sa iyo hindi lamang ng tagumpay, magdadala rin sa iyo ito ng pagkilala at kayamanan.

Pananatili ng Isda

Maglagay ng aquarium sa Hilagang bahagi ng iyong sala upang magkaroon ng suwerte sa propesyon. Ang pinakamabisang isda na dapat magkaroon ay ang arowana o goldfish (siyang: walong pula at isang itim). Subalit ang pagkakaroon ng pigurin ng mga isda ay ganoon din ang epekto tulad ng tunay na isda nang walang gastusin sa pagmimintina ng aquarium. Kung maglalagay ng arowana, maglagay ng siyam na magkakasama para sa pinaka-epektibong epekto. Kung magdesisyon na mag-alaga ng mga tunay na isda, huwag silang pakainin ng buhay na pain; magdadala ito ng bad karma. Kaysa ganito, turuan ang arowana na kumain ng frozen na bulati o pellets.

Amethyst Tree para sa Magandang Relasyon

Walang saya sa pagpasok s opisina kung hindi kasundo ang mga kasamahan sa trabaho. Upang masiguro ang pagkakasundo sa pagitan mo at ng mga kasamahan sa trabaho at nakatataas, maglagay ng amethyst gem tree sa iyong lamesa. Ang amethyst kung minsan ay kilala bilang bato ng kaligayahan at pagkakasundo, at hahadlang sa galit at pag-aaway.

Pagpapalakas sa Iyong Commission Income

Para sa mga kabilang sa nagtatrabaho kung saan may oportunidad na kumita ng komisyon, maglagay ng three-legged toad para sa suwerte sa kayamanan sa iyong desk o iyong naka-diagonally opposite sa harapang pinto ng iyong tahanan. Magdala ng three I-Ching coins na nakatali nang sama-sma na may red gold thred sa iyong wallet o purse. Kung ikaw ay nasa sales sa pamamagitan ng telemarketing, magdikit ng three I-Ching coins na itinali nang sama-sama na may red/gold thread sa iyong telepono.

Metal Windchime sa Hilaga

Ang sektor ng trabaho ayon sa Eight Aspirations theory ay matatagpuan sa Hilaga. Ang paglalagay ng six-rod metal windchime sa sektor na ito ay nagdudulot ng enerhiya ng tubig, na siyang nagpapa-aktibo sa suwerte sa trabaho. Gayunman, mahalaga na ang rods ng windchime ay malalim, upang ang suwerte ng Chi ay umangat sa chimes.

The Mythical Dragon Tortoise

Ang Dragon Tortoise ay isang mythical creature na nagbibigay suporta ng tortoise na may kasamang tapang ng Dragon. Maglagay ng pigurin ng Dragon Tortoise sa iyong lamesa o sa iyong likod upang makuha ang suporta ng iyong boss, malabanan ang pamumulitika sa opisina at makuha ang promosyong nararapat sa iyo.

Ang Tribute Horse para sa Pagwawagi

Mula sa panahon ng mga Sung emperors hanggang sa Imperial rulers ng Qing dynasty, ang tribute horse ay iniuugnay na may regalong dala ng mga nagwagi. Kung nakararanas ng sitwsyong may kumpetisyon sa trabaho, ang paglalagay o pagsusuot ng tribute horse sa iyong opisina ay magdadala sa iyo ng panalo, maging ito man ay isang ideya sa proyekto, promosyon o oportunidad sa pagsososyo.

Ang Chi Lin o Chinese Unicorn

Ang mythical Chinese Unicorn, kilala na Chi Lin, ay kilala rin bilang Dragon Horse. Ang presensya ng Chi Lin ay sinasabing umaakit sa makapangyarihan ng cosmic breath ng dragon, na nagdadala ng magandang suwerte sa kapalaran sa mga nakatira sa bahay na iyon. Ang paglalagay ng Chi Lin sa lugar ng trabaho ay kumakatawan sa magandang kapalaran sa promosyon para sa mga nagnanais ng pagsulong sa kanilang trabaho. Espesyal na malakas ito para sa mga nasa military, serbisyo publiko at pulitika.

Ang Rooster para Labanan ang Pamumulitika

Ang pamumulitika ay karaniwang sa mga lugar ng trabaho. Ang pinakamabisang paraan para malabanan ang negatibong enerhiya ay ang paglalagay ng pigurin ng Tandang sa opisina. Ito ang makapipigil sa mga argumento at pamumulitika. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here