10 Bagay na Importante sa isang Relasyon maliban sa Pag-ibig at Pagmamahal

Sabi nila ang magmahal at ang mahalin ang isa sa napakasarap na pakiramdam na maaring maranasan ng isang tao. Ang isang pag-iibigan at relasyon upang tumagal ay nangangailangan pa ng ibang bagay. Maliban sa kayo ay nagmamahalan at nag-iibigan, kailangan pa ang sampung mga bagay na ito. Hindi lang puro love, love, love.

1.Tiwala– Isa ito sa pinakamahalagang sangkap ng isang matagumpay na relasyon. Kailangan may tiwala ka sa karelasyon mo dahil kung wala, ano pa ang saysay niya saiyo. Ang tiwala ay mas lumalalim at nakukuha sa paglakad ng panahon. Mapapatunayan niyo sa bawat isa na karapat dapat kayong magtiwala at pagkatiwalaan.

2.Pagiging totoo– Napakahalaga ng pagiging totoo sa isang relasyon. Ang isang relasyon na nabuo sa kasinungalingan at mali at huwad na pag-asa ay hindi magtatagal. Darating ang panahon na ito ay guguho din. Ang pagiging totoo ang magiging daan sa maayos na komukisyon ng bawat isa na magpapatibay sa isang relasyon.

3. Respeto– Kahit gaano katindi ang pagmamahal ngunit kung walang respeto ay balewala ito. Kailangan na may respeto ka sa karelasyon mo. Hindi mo pwedeng sabihing mahal mo siya ngunit wala kang respeto sa kanya. Ang pag-ibig ay hindi sapat na dahilan para disrespituhin mo o abusuhin ang karelasyon mo. Ang respeto sa isa’t isa ang magiging sangkap sa pagtanggap sa bawat isa at sa pagtagal ng relasyon.

4. Komunikasyon– Ang komunikasyon ang susi para magkaintindihan ang bawat magkarelasyon. Dapat bukas ang komunikasyon sa bawat isa.  Kailangan ito para mas makilalala ang bawat isa, mas magkaintindihan, para maresolba ang mga salungatan at para mas mapagyabong ang pundasyon at para malinaw ang lahat.

5. Katapatan– Kasama ng tiwala, kailangan maging tapat para maging faithful ka sa kapareha mo. Ano ang silbi ng relasyon niyo kung wala ito? Ang katapatan ang magsisilbing tagapagtaguyod ng relasyon para ang ibang mga mahahalaga sa isang relasyon ay maisakatuparan. Napakahalaga ng commitment at pagiging faithful sa isang relasyon.

6. Kaligayahan– Dapat masaya kayo sa isa’t isa. Hindi naman laging okay o masaya di ba? Pero dapat mas nakakahigit ang pagiging masaya at maligaya niyo. Mas madami kayong masasayang araw. Kung hindi kayo masaya, senyales ito na hindi kayo magtatagal o kailangan na kayong mag move on.

7.Kompromiso– Dapat may give and take. Marunong kayong mag compromise sa bawat isa. Kung ang isa ay kuha lang ng kuha at hindi marunong magbigay, ito ay hindi mainam na relasyon. Sabi nga nila, it’s bound to break.

8. Kaligtasan- Ligtas ka dapat sa partner mo. Wala kang takot na kaya ka niyang saktan. May seguridad ka na aalagaan ka niya at hindi pagbubuhatan ng kamay.

9. Pagsasarili-Kahit mag partner kayo na araw araw ay magkasama, dapat may pagsasarili rin ng oras minsan. May certain independence pa din kayo na lumabas kasama ang mga kaibigan o magkaroon ng libangan gaya ng pagbabasketball o pagshoshopping.

10.Pagkakaisa-Kailangan na matatag at matibay kayo bilang mag partner. Parehas kayo sa inyong relasyon. Magkakampi kayo sa pakikibaka sa buhay. Maari kayong maging parang nanay, tatay, kapatid, nurse o katulong minsan ng partner niyo. Ginagampanan niyo pareho ang mga papel sa buhay ng bawat isa para maging ganap ang pagiging isa niyo at pagkakaisa niyo.

Sa panahon ngayon madalas gusto lang natin mailabas ang saloobin natin at may mapagsabihan. Pero kadalasan nahihiya tayo.

Gusto mo bang may makausap at maglabas ng problema? O kailangan mo ng makikinig saiyo?

Kailangan mo ba ng payo? May pinagdadaanan ka ba? Nandito kami para saiyo.

Tumatanggap po ako ng mga hiling na payo tungkol sa relasyon at pakikipagrelasyon.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

1 COMMENT

  1. Ang aking katanungan ay tungkol sa isang relasyong magasawa. Paano kung wala nang gana ang pagsasama? Araw-araw nagkikita, naguusap sa mga nangyayari sa buhay, sa mga anak at sa trabaho. Maayos lahat maliban sa haplos na wari nawala. Ang dating paghahawakan, lambingan at pagtatali ay mistulang naglaho kahit na ang isa ay nagpapakita na siya ay interesado, o willing, ngunit patay malisya at walang reaksyon sa kabila. Ano ang dapat gawin?

  2. Hello Mindy. Thank you sa tanong mo. Alam mo in every relationship may high and low points minsan. Dumadating talaga yan. Akala mo wala ng gana yung asawa o karelasyon mo. Pero minsan kailangan lang ng ibang approach. Ibahin niyo lahat ng ginagawa niyo, nakakapagod talaga pag routine, pauli-ulit at pattern lang sa buhay .If before hindi kayo mahilig manood ng movie or mag spa, try niyo gawaiin together now. Make your life exciting and fun despite ng mga obligayon niyo. Importante na you communicate how you feel sa asawa mo. If babae ka, fix and beautify yourself more, prepare a good dinner for your husband. Wear a different perfume. Make it a preparation for an intimate moment. If lalaki ka, try to surprise your wife with a random and unplanned date or maybe a gift even if there’s no occasion. Always set a date night na kayo lang. It doesn’t necessarily mean na walang gana, you just have to both put your efforts to keep the fire burning. Sabi nga nila madaling makipagrelasyon at mag-asawa, mas mahirap inourish, imaintain at alagaan ito. Never take your partner for granted and in return you’ll just feel and see that everything is just a phase. Keep on loving and Goodluck!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here