Wildflower – Zsa Zsa Padilla Kasali Na Rin! Arnaldo Magpapari Na!

0
61

Sa mga bagong episodes ng sikat na sikat at inaabangan teleserye sa hapon ng ABS CBN na Wildflower, pinakita nito ang bagong karakter na ginagampanan ni Zsa Zsa Padilla, si Red dragon, ang bagong kontabida sa buhay ni Lily Cruz.

Pagkatapos makaligtas at mabuhay ni Ivy Aguas galing sa pagkabaon sa kanya ng mga Ardiente, siya ay nagbalik bilang si Lily Cruz. Ginulat niya ang mga Ardiente. May bago na naman siyang kaaway. Hindi na lang ang mga Ardiente, pati na si Red Dragon.

Dinagdagan nila ng panibagong karakter dahil nakakasawa na ang pag-aaway nina Emilia at Lily/Ivy. Para may bago naman sa mata ng mga manonood. Isa pa sa bagong twist ng istorya ay ang pagiging maka-Diyos ni Arnaldo. Siyempre ayaw ng lolo niya ‘yun dahil makademonyo silang pamilya.

Feeling ko magkakaroon nanaman ng panibagong twist yan. Baka magkabalikan sila ni Lily / Ivy dahil nga “mabait” na si Arnaldo. Lalo na at maraming manonood ang gusto na silang dalawa na lang talaga ang magkatuluyan. Actually, kahit ako mas gusto ko sila kaysa kay Diego. Para kasing patay na pusa si Diego umarte. Walang kalatuy-latoy. Halatang scripted masyado. Minsan siya ‘yung sumisira sa mga eksena.

Sa mga nangyayari ngayon, mukhang minamalas si Lily. Mukhang nalulugi ang business nila at maraming mga tao ang nagrereklamo tungkol dito. Mukhang mas marami pa ang kamalasan na madadaanan niya kasi nga dahil sa bago niyang magiging kaaway o kontrabida sa palabas.

Minsan iniisip ko kung gusto pa ba ng mga artista ang mga nangyayari sa palabas. Parang “sige! Kahit ano na lang para lang magtuloy-tuloy ang palabas”. Para lang hindi mahinto at tuluy-tuloy ang pasok ng pera. Ano na ba iniisip ng mga writers nito?

Kayo, nanonood pa ba kayo ng Wildflower? Gusto nyo pa ba ang mga nangyayari dito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here