Wildflower – Ivy Aguas No More Dahil Siya Na Si Lily Cruz

0
103

Isang mapanindig balahibo at nakakagigil na teaser ang huling ipinakita ng ABS CBN tungkol sa Wildflower sa mga viewers nito.

Binitin sa galit at inis ng mga writers at director ang mga fans ng sikat na sikat na teleserye sa gabi na Wildflower ang mga fans nito.

Sa huling teaser na pinakita ng ABS CBN tungkol sa Wildflower, inilibing ng buhay ng mga Ardiente si Ivy Aguas. Habang tumatawa si Emilia at Julio sa nangyayari kay Ivy, gigil na gigil naman and ina, tito at si Diego sa mga Ardiente.

Nang malaman ito ng pamilya ni Ivy, agad na agad sumugod ang tito niya na si Jaguar at ang mga tauhan nito kasama si Diego upang lusubin ang lugar ng pinaglibingan kay Ivy. Pero meron ipinakita sa teaser na bumalik na sila Diego ng duguan at mukang malungkot.

Maaari kayang hindi na nila nailigtas si Ivy dahil mas marami ang tao ng mga Ardiente?

Pero meron din scene na umiiyak si Ivy at mukha nang mawawalan ng hininga marahil sa sobrang tagal na nyang nakabaon sa lupa at wala ng hangin na pumapasok sa kanya para makahinga siya.

Nagpakita din ng isang maiksing teaser sa telebisyon ang ABS-CBN kung saan nakalagay na birthday at death day ni Ivy Aguas. Ibig sabihin ba nito na mamamatay na si Ivy?

Madami sa mga viewers ang nagsasabi na mamamatay si Ivy dahil muli siyang magiging si Lily Cruz. Madami din ang galit sa mga nangyayari dahil lagi na lang daw inaapi si Ivy.

“Dapat kung makatakas si ivy dito, dapat sa script, ilibing din ng buhay si tatay julio at emilia,at magkasama sa iisang kabaong,, yong effective sa mga viewers,,, dapat isama sa script,nakakagigil eh”, sabi ng isang comment sa video ng Wildflower teaser sa official youtube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Ano kaya talaga ang mangyayari kay Ivy?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here