Volts Vallejo: Ang bagong bibihag sa inyong mga puso

1
519

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Small but terrible. Ito na yata ang isa sa pinaka-gamit na mga pang-uri sa mga taong matatawag na hindi biniyayaan ng ideal na katangkaran ngunit kapag inihayag ang kanilang talent ay malulunok mo ang iyong sariling dila.

Ito ang isa sa pinaka-appropriate na deskripsyon sa bagong singer at songwriter na si Voltaire Calahi Vallejo o mas kilala sa tawag na Volts Vallejo.

Ipinanganak at lumaki sa Nueva Ecija at nagsimula bilang isang dancer at commercial model bago nagsimulang magbagong-bihis at sinubukan ang pagtipa ng gitara at paggawa ng sariling musika.

Ayon sa Wikipedia, ay nadiskubre si Volts ng online music hub na One Music PH sa pamamagitan ng programang Be Discovered Program.

Ngunit nagsimulang maging matunog ang kanyang pangalan ng magsubmit siya ng kanyang awitin sa Star Cinema na pinamagatan niyang “Hey Crush”.

Kalaunan ay ang nasabing awitin ang ginawang main theme song para sa pelikulang Vince, Kath and James.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nag-anunsyo ang One Music PH ng pa-kontest para sa mga aspiring na Filipino singer at composer. Diumano ay ang mananalo ay gagamiting soundtrack ng pelikula ng Star Cinema na Vince, Kath and James na pinagbidahan nina Joshua Garcia at Julia Baretto.

“We are proud to announce that officials of Star Music and Star Cinema have chosen “Hey Crush”, a composition by our Be Discovered Artist Volts Vallejo!”

Ito ang nakatutuwang balita na ipinaabot ng One Music PH ng nakaraang taon upang ipaabot ang magandang balita lalo pa sa mga taga-suporta ni Volts.

“Yung ‘Hey Crush’ song siya na ginawa ko specifically for that movie. Talagang binasa ko siya, yung text-serye. After ko binasa, kumuha ako ng mga words na magiging familiar yung mga tao, tapos nilagay ko sa kanta.” Ito ang excited at masayang saad ng singer-composer tungkol sa unang kanta niya.

Matatandaang si Volts Vallejo ang kauna-unahang signed artist ng One Music PH. At noon lamang Marso nitong taon ay ini-record niya ang kanyang self-title EP, sa tulong ng sikat at batikang record producer na si Roque Santos. Ini-release ang kanyang self-titled EP na ini-release niya noon lamang Hunyo nitong taon na may first single ay “Tatapangan”.

Baguhan man sa mundo ng showbiz ay unti-unti na ding umaani ng mga fans at followers si Volts na sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 13,000 ang followers sa instagram.

 

“Tatapangan ko nalang ang puso ko,

Kung hanggang dito na lang.

Maninibago man bawat araw,

Oh talagang ganyan.

Wag kang mag-alala,

O wag nang tumawag pa

Ayos lang ako,

Matapang to.

 

Ito ang chorus ng kanyang pinakabagong awitin na pinamagatang tatapangan na sa ngayon ay nasa number 9 na ng daily countdown ng sikat na music channel na MYX.

Sa ngayon ay madalas ng napapanood si Volts sa iba’t ibang show ng ABS-CBN at minsan na ding nag-guest sa MYX na.

Malayo paman siya sa pedestal ng tagumpay ay tunay na malaki ang potensyal ng nasabing actor. Lalo pa at ang kanyang mga tagahanga–Auto VOLTS, Volts’ Vallejo’s Friendsclub at Volts Rangers, ay walang sawang sumusuporta sa kanya.

Tunay na malaki ang potensyal ni Volts sa larangan ng pag-awit at paggawa ng musika. Kay naman hindi na nakapagtataka kung isas sa mga araw na ito ay nasa tuktok na pala siya ng tagumpay.

Soar high, ika nga!

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here