Utos daw ng nanay habang nakahilata ang ama… SI CHRIS, NAMAMALIMOS PARA MAY MAKAIN ANG KANILANG PAMILYA

0
67

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Mga katsismosa, sumasakit na naman ang ulo ko. Bakit ba kasi napakaraming tao ang pasaway? Parang walang pakialam kung ano ang mangyayari bukas, nakakagigil talaga, pramis!

Kapag ipinanganak kang poor, hindi mo na nanaisin pang maging mahirap. ‘Yun nga lang, napakahirap labanan ng kahirapan kung wala ka namang trabaho na maipagmamalaki. Kaya dapat talagang doble-doble ang iyong pagkayod. May pagkakataon nga lang na parang kayhirap labanan ng kahirapan. Ngunit, naniniwala ako na magagawa mo naman ito kung gugustuhin mo. Kaya nga, may mga magulang talaga na hindi iniisip ang kanilang mga anak. Ang importante lang sa kanila ay ang kaligayahan nila. Mas nais nilang mailabas ang init ng kanilang katawan kaysa isipin kung ano ang mangyayari kapag nagkaanak sila gayung wala silang kapera-pera.

Oo nga, mahirap lang ako pero kahit naman nagkaroon ako ng Glaiza, never kong inisip na pabayaan ko siya. Ang pangarap ko nga sa kanya ay maibigay ang lahat ng pangangailangan niya — siyempre ang tinutukoy ko ay ang magkaroon siya ng magandang buhay at mangyayari lang iyon kapag nakapagtapos siya ng kanyang pag-aaral.

Ngunit, ‘di lahat ng magulang ay iniisip ang makabubuti para sa kanilang anak tulad na lang ng batang nakilala ko. Chris ang kanyang pangalan. Sabi niya ay 6 years old na siya pero hindi pa siya pumapasok sa eskuwela para siya ay makapag-aral at ayon sa kanya, walang kabalak-balak ang kanyang mga magulang na siya ay pag-aralin. Biro mo, inuutusan siya ng kanyang nanay na mamalimos para lang may pang-almusal sila habang ang kanyang ama ay nakahilata lang. Ni hindi makuhang magtrabaho para buhayin ang pamilya.

Tsk…talagang kaawa-awa ang mga bata kapag nakatagpo ng iresponsableng mga magulang. Biruin mo, matapos nilang magpakasarap sa piling ng isa’t isa ay hindi gagawin ang responsibilidad nila sa kanilang anak. Kaya, habang pinagmamasdan ko si Chris, parang nilalamutak ang puso ko. Sa edad kasi niyang iyon, hindi siya dapat nag-iintindi ng kung anu-anong responsibilidad. Ang mga magulang niya ang dapat na gumagawa noon pero parang walang pakialam sa kanya ang mga magulang. Kunsabagay, paano ba naman siya iintindihin pa, eh, lima silang magkakapatid at pangatlo pa siya. Kaya, naman no choice na lang din siya kundi sundin ang ipinag-uutos ng kanyang mga magulang.

Kahit naman awang-awa ako habang nakatingin sa kanya, wala naman akong magagawa kundi ang sabihin sa kanyang ‘kawawa ka naman’. Hindi ko naman siyempre siya magagawang pag-aralin o kaya naman ay alagaan. Ngunit, sa palagay ko, hindi naman siya dapat nasa pangangalaga ng kanyang mga magulang. Kawawa naman kasi siya. Hindi naman siya naaalagaang mabuti, sa halip, siya pa ang nag-aalaga sa kanyang pamilya. At hindi iyon tama. Maling-mali.

Kaya, sana, ang mga nagmamahalan diyan ay huwag puro na lang pasarap. Huwag dyug lang ng dyug. Kailangan naman ay gamitin din nila ang kanilang isip. Hindi maaari iyong puro pasarap lang sila at kapag may responsibilidad na ay pilit iyong tinatakasan. Bilang magulang, kailangan nating panindigan ang ating responsibilidad sa ating mga anak. Tandaan ninyo, hindi rin naman nila ginusto na ikaw ang kanilang maging magulang pero wala silang pagpipilian.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here