UP Fighting Maroons, nilapa ang NU Bulldogs, 106-81

0
18
UAAP Season 80

WALA nang tatalo sa patuloy na lumalaban, ito ang hangarin ng UP Fighting Maroons na natalo sa nakaraang laro nila sa Game #52 laban sa  Ateneo de Manila University sa score na 96-82.

Sa first quarter pa lamang pinangunahan na ni Paul Desiderio, ang laro ng UP sa UAAP Season 80 Senior Men’s Basketball tournament second round na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City, Nobyembre 11, 2017.

Nanalo ang Fighting Maroons laban sa Bulldogs sa score na 106-81.
Sa pag-uumpisa pa lamang ng laban, inspirado at determinado na si Desiderio kung saan kumolekta agad ito ng 11 points mula sa team’s big 34-point sa 1st quarter.

Sa second quarter patuloy na nanalasa ang UP mula sa simula hanggang sa huli ng half quarter ay inilampaso ang NU sa score na 58-45.

Sa pagpapatuloy ng laban ng Fighting Maroons, tatlong manlalaro nito ay nagtala ng double-digits kasama si Desiderio na may 21 katuwang ang magkapatid na Gomez de Liano na sina Juan at Javi na may score na 13 at 11.

Patuloy ang mainit na laro ng UP sa third quarter at nagdagdag ng siyam na puntos, kasama ang matinding three points sa pagtatapos ng quarter.

Nagtala ang Game #53 ng 84-60.

Sa fourth quarter, tuloy-tuloy na iniwan na ang NU ng UP at nakuha ang 106-81 pabor sa UP Fighting Maroons at nakamit ang kartada 6-8 para sa elimination round.

Sa kabuuang score ng bawat koponan:
UP 106 – Desiderio 30, Gomez de Liano Ju 22, Gomez de Liano Ja 17, Manzo 14, Ouattara 12, Webb 3, Lim 2, Harris 2, Ricafort 2, Romero 2, Prado 0, Jaboneta 0

NU 81 – Gaye 25, Alejandro 16, Joson 7, Salem 7, Tibayan 7, Mosqueda 4, Bartlett 4, Diputado 3, Cauilan 3, Aquino 3, Morido 2, Yu 0, Abatayo 0, Lastimosa 0, Flores 0, Rangel 0.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here