TURN OFF DAW SA GF NA MATERIALISTIC

0
49
payo, artikulo, pag-ibig, kabiguan, pagmamahal, paghanga, martir, pag-asa,

Dear Maria,

Materyalistiko ang aking girlfriend, nati-turn off na tuloy ako sa kanya. May mga pagkakataon na gusto ko na makipaghiwalay sa kanya pero mahal ko siya. Ano ang aking gagawin? — Ronald

Ronald,

Kung wala siyang ginawa kundi magpabili sa’yo ng kung anu-ano, talaga ngang nakaka-turn off siya. Makakaramdam ka pa ng takot na kapag wala ka nang maibigay sa kanya ay iiwanan ka niya. Kungganoon, bakit mo pa hihintayin ang panahon na iyon? Ngayon pa lang, maiging matauhan ka na. Hindi porke mahal mo siya ay magpapakabaliw ka na. Kailangan mo siyempreng isipin ang iyong sarili. Baka nga mahal mo siya pero alam mo naman masasaktan ka lang sa kanya sa huli. Alam kong hindi ka manhid kaya pagkatiwalaan mo ang instinct mo.

Kung ang siste naman ay materyosa siya pero hindi naman siya humihingi ng pera sa’yo, bakit nag-aalala ka ng husto? Mali naman yata iyon. Huwag mong problemahin ang ginagawa niya kung hindi ka naman naaapektuhan. Saka, kung talagang hindi mo gusto ang ang pagiging materyosa niya, kailangan sabihin mo iyon sa kanya. Para magawa mong itama ang kanyang kamalian.

Bilang boyfriend, responsibilidad mo ring gabayan siya. Hindi naman porke magkarelasyon kayo, wala na kayong gagawin kundi ang maghalikan at magyakapan. Kailangan siyempreng magsusuportahan kayo at sabihin mong mga mali niya. Higit kaninuman, bukod sa kanyang pamilya, ikaw dapat ang maging concern sa kanya. Hindi rin naman porke may pera siya, gagasta na lang siya nang gagasta. Kailangan din niya siyempre ang mag-ipon.

Hmm, talaga nga bang naiinis ka lang sa kanyang pagiging materyosa, baka naman kasi ginagawa mo lang sabihin iyon dahil iyon ang kanyang kapintasan. Pero ang totoo, nagbabago na ang damdamin mo para sa kanya. Kung minsan nga, sinasabi mo lang na mahal mo ang isang tao dahil iyon ang nakasanayan mo, saka, ayaw mong maramdaman na makokonsensiya ka kapag iniwan mo siya. Kaya, sana, alamin mo rin ang tunay mong nararamdaman.

Kung mahal mo siya tulad ng sinasabi mo, hindi mo lang mamahalin ang mga katangian niya, pati rin ang kanyang kapintasan dahil iyon siya. Sana naman ay magkaroon din kayo ng pagkakataong magkausap. Baka naman kasi dyan ang problema, iyong wala kayong bonding kaya ang nakikita mo na lang sa kanya ay ang kanyang mga kapintasan at hindi mo na nakikita ang ang mga mabuti niyang nagagawa.

 

O, ikaw ba ay mayroong ibabahaging suliranin sa puso? Kung mayroon nandito si Maria at handang magbasa ng inyong mga hinaing, kaya, sulat na sa Dear Maria.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here