TONI GONZAGA: ULTIMATE MULTI-MEDIA STAR NG PINAS

0
56

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

From this day forward, I promise to be the best wife you will ever need. From now on, apart from God, you are now my number one priority. From now on your happiness is my happiness, what makes you sad, and what hurts you will hurt me the most. It has been a long journey my love, and now, we are finally getting married, and it is a great love story because God wrote ours. We can now do whatever we want and there’s no need to drop me home because now, you are my home.

Ito ang isa sa pinaka-nakakaiyak na wedding vow ng taong 2015—ang wedding vow ng Philippines’ Ultimate Multimedia Star na si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano o mas kilala bilang si Toni Gonzaga.

Matatandaang nagsimula ang karera ni Toni nang masali siya sa commercial ng Sprite kung saan nakatrabaho niya si Piolo Pascual. Simula noon ay kinuha siya ng Eat Bulaga ng GMA 7 bilang host . Dalawang taon din siyang naging miyembro ng pamilya ng Eat Bulaga ngunit taong 2005 ay lumipat sa ABS-CBN para sa kanyang career growth.

Sa Kapamilya Network ay nagsimula rin siya bilang host ng pinakasikat na bahay sa Pilipinas—ang Bahay ni Kuya sa reality show na Pinoy Big Brother at naging mainstay sa Sunday variety show na ASAP.

Naging sunod-sunod ang blessing sa buhay ni Toni dahil maliban pa sa unang pelikula na pinagbidahan niya kasama si Vhong Navarro ay ini-release din niya ang kanyang kauna-unahang album under Star Records—ang Toni: You Complete Me.

Simula noon ay hindi na napigilan pa ang tuluyang pag-angat ng karera ni Toni—pelikula, drama series, endorsements at maging albums niya ay hindi na napigilan pa.

Napakarami na ding award ang natanggap ng Multimedia Star—mapa- Aliw awards(4), Alta Media Icon awards (2), Anak TV Seal Award (8), Awit Award(1), ASAP Pop Viewer’s Choice award(4), COMGUILD Media Awards (1), CommExcel Students’ Choice Award (1), EdukCircle Awards (5), FAMAS awards (2), FMTM awards for movies (2), GMMSF Box-Office Entertainment Awards (8), GOolden Laurel: Lycean Choice Media Awards (1),MOR Pinoy Music awards (1), Myx Music Awards (2), People Asia Magazine (2), PMPC Star Awards for movies (2), PMPC star awards for Music (3) at marami pang iba.

Pero higit sa kung anumang mga awards at recognition ay ikinararangal ni Toni ang pagiging role model niya sa mga kabataan.

Ikinasal siya sa kanyang kauna-unahang boyfriend na si Direk Paul Soriano, nobyo niya sa loob ng walong taon.

Self-confess virgin din ang dalaga na tunay namang ipinagmamalaki niya dahil ganoon nga naman daw sila pinalaki ng kanilang mga magulang—ang maghintay ng tamang panahon para sa lalakingitinadhana sa kanya.

I think that love should be greater than your lust for each other.” Ito ang matapang na pahayag ng Multimedia star nang matanong hinggil sa kanyang relasyon sa noo’y nobyo pa lamang na si Paul Soriano.

Matatandaan ding sikat ang nanay ni Toni na si Mommy Pinty dahil diumano sa mga rules nito para sa kanila ng kanyang kapatid na si Alex.

Kapag bumisita diumano sa bahay nila ang kanyang noo’y nobyong si Paul, bawal siya sa second floor ng kanilang bahay kung saan nandoon ang kwarto nila.

Bawal din silang mag-out of town trips na sila lang at mag-oovernight pa.

Marami man ang nagsabing plastic o ipokrita diumano si Toni ay pinanindigan niya ang kanyang desisyon na lalong nagpamahal sa kanya sa mga tao.

Saad pa ng ilan ay tunay siyang isang huwarang anak at Pilipina na dapat lang gayahin ng mga kabataan dahil si Toni diumano ang matatawag na epitome ng isang babaeng dapat gawing ehemplo at dapat ay gayahin ng mga kabataan na nagawang hintayin ang lalaking itinadhana ng Diyos para sa kanya bago ibinigay ang sarili.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here