Tinitiis ang sapak ng amo para may maipadalang pera sa anak

0
38

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Mga katsismosa, magandang umaga. May ihahatid na naman akong tsismis para sa’yo. As usual, tungkol sa OFW at siguradong siya’y kaaawaan mo. 

Itong si Ivy kasi, piniling magtrabaho sa abroad dahil iyon lang ang nakikita niyang paraan para mabuhay niya ang kanyang anak. Iniwan kasi siya ng boyfriend niyang mayroon ng asawa kaya wala na siyang pagpipilian kundi itaguyod mag-isa ang kanyang anak. Wala rin naman kasi siyang magiging laban kung sakali dahil isa siyang kabit. Dito sa Pilipinas, ang mga kabit ay isang malaking kahihiyan. Dahil sa hindi na niya gusto pang mailagay sa kahihiyan ang kanyang mga magulang, sinubukan na lamang niyang makipagsapalaran sa Singapore.  

Ngunit, hindi ganoon kadali ang buhay niya sa Singapore bilang kasambahay. May kalupitan kasi ang kanyang amo. Konting pagkakamali niya ay nagagawa siya nitong sigawan. Kapag hindi niya agad nasunod ang utos nito, nakakatikim siya ng sapak. Kaya, wala siyang magawa kundi umiyak. Ibig man niyang umalis, hindi niya magawa. Naiisip niya kasi ang kanyang anak. Kailangan siya nito. Kailangan din niyang masigurong magkakaroon ito ng magandang kinabukasan at mangyayari lamang iyon kapag nagtiis siya.  

Ano ba naman ang mag-asawang sampal, sabunot at tadyak kung may maipapadala naman akong pera para sa aking anak? Tanong niya sa akin nu’ng tanungin ko kung bakit kailangan niyang magtiis.  

Oh, parang gusto kong umiyak ng mga sandaling iyon. Parang dinidikdik ng pinung-pino ang aking puso. Hindi ko naman siya ka-close pero sa tuwing nakakarinig ako ng iba’t ibang karanasan sa paglilingkod sa ibang bansa, sumasakit ang damdamin ko. Naalala ko rin ang sitwasyon ko dati. Noong panahong kailangang kong iwanan si Glaiza. Mapalad lang ako dahil hindi ganoon kasama ang amo ko,  

Sabi nga ni Ivy, ang pagtatrabaho niya sa abroad ang nakikita niyang solusyon para magkaroon ng magandang buhay ang kanyang anak sa hinaharap. Siyempre, kailangan niyang mag-ipon. Medyo malaki rin naman ang kinikita niya sa malupit niyang amo. Kung iku-convert sa Pilipinas, umaabot din ng beinte singko mil. Kahit nakapagtapos siya ng pag-aaral, hindi siya makakakuha ng magandang trabaho na may malaki ring sahod. Samantalang kung magtitiyaga lang siya nang magtitiyaga, mabibigyan pa niya ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.  

Hay, talagang mapagmahal ang ina itong si Ivy. Maging ang sarili niyang kaligtasan ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga lang sa kanya ay masiguro ang kinabukasan ng anak. Mabuti na lang at natapos ang 2 years nitong kontrata at nakasama na niya ngayon ang anak ngunit sabi ni Ivy, kahit ganoon ang karanasan niya sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay babalik pa rin siya sa abroad. Iyon lang kasi ang alam niyang paraan para iangat niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang anak.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here