TAKOT MAHIWALAY KAY LABS

0
216
payo, artikulo, pag-ibig, kabiguan, pagmamahal, paghanga, martir, pag-asa,

Dear Maria,

Mortal na magkaaway ang mga kuya namin pero nagmamahalan kami ni Dave. Anong gagawin namin, hindi namin kayang maghiwalay? — Yasmin

 

Yasmin,

Kung gusto ninyong magkaroon ng forever, ang the best na dapat ninyong gawin ni Dave ay pagbatiin ang mga kuya ninyo. Kahit naman sabihin ninyo na kayo ang nagmamahalan, makabubuti pa rin na okay ang mga tao sa inyong paligid. Kung may gap o ‘di pagkakaunawaan ang mga kapamilya ninyo, siguradong lagi lang kayong maiipit.

O, gusto mo ba iyon? Tiyak na sasabihing mong hindi kaya dapat ngayon pa lang ay gumawa ka na ng paraan para maging magkaayos sila. Hangga’t hindi nangyayari iyon, huwag muna ninyong palalimin muna ang inyong relasyon dahil baka mapahamak lang kayo kung sakaling malalim ang galit ng mga kapatid ninyo sa isa’t isa.

Ngunit, kung sakali na hindi na sila magkakaayos pa, alam kong kayo rin ang mapapahamak. Huwag mong isipin na hinuhusgahan ko ang mga kuya ninyo pero alam kong iyon ang mangyayari. Hindi ko naman sinasabi ito dahil manghuhula ako, kailangan mo  lang malaman ang maaaring mangyari.

Bakit? Siyempre dahil nga magkaaway sila. Habang ganyan ang relasyon nila hindi nila magugustuhan na magkakaroon sila ng koneksyon ng isa’t isa. Ngunit, ikaw ang bahala kung ayaw mong maniwala. Sinasabi ko lang ang maaaring nangyari. Kaya, para hindi na lumala ang anilang alitan, gumawa na kayo ng paraan para makuha nilaong maging okay.

Masarap mabuhay. At tinitiyak ko na magiging kampante ang inyong mga damdamin kung wala kayong mga alalahanin. So, ang maganda mong gawin, gumawa paraan para maayos ang gusot sa pagitan nila.

Maigi rin kung kakausapin ninyo sila ng masinsinan at sabihin dahilan kung bakit sila  sila dapat mag-away. Siguro naman ay hindi rin niya gugustuhin na maging malungkot kayoing mg kapatid nila dahil sa hindi nila magawang maging happy sa inyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here