Sorry na lang sa tamaan… MAHIHINA ANG MGA TAONG NATUTUKSO SA IBA KAHIT MAY PARTNER NA

0
91
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Ang  pag-uusapan naman natin sa ngayon ay kung paano malalaman kung magkakaroon ng  multiple lovelife ang isang tao.

Totoo ba ang  “You Are My Only One ?” Or yon madalas natin  madinig na “Only You?”

Siyempre , totoo  ito. Pero  hindi dahil sa totoo na may isa ang love or karelasyon.   Hindi naman  ibig sabihin ang lahat ng pag-ibig ay para lang sa isa o hindi totoo ang may iba pang mahal kahit pa may kasalukuyang minamahal.

Dahil totoong–totoo rin ay mga babae o lalaking  may mga asawa na pero may mga karelasyon pang iba.

Kaya nga sobrang masarap na mag-aral ng The Arts and Science of Palmistry ang mga katotohanan sa buhay mismo ng tao ay  malalaman at  walang maililihim. Sa Palmistry  lang  matutuhan ng mabilis na walang kahirap–hirap ang kung ano ba ang kapalaran ng isang indibiduwal.

Una muna, ang bawal na relasyon ay ang sinasabing  nahulog sa tukso at ang tukso ay  isang  bagay na  nagmumula kay Venus na siya mismong iuugnay sa mapanuksong ganda. Dahil dito ang  tutukan sa palad ay walang iba kundi ang tinatawag na The Mount of Venus na siya mismong bahagi ng palad na tinatawag ding “kalamnan ng hinlalaki.”

Kapag may nakitang guhit o mga guhit na papahilis na papataas na papasok sa sentro ng palad ( May Bilog sa larawan) ito na mismo ang guhit o mga guhit ng tukso na nagsasabing ang may-ari ng palad, babae man o lalaki ay may sobrang malaking tsansa na mahulog sa tukso.

Mahina ang taong sa tukso ay bumibigay at dahil sa siya ay mahina at bumigay, kadalasan ang guhit ng tukso ay higit sa isa or higit sa dalawa, dahil sa kanila mauulit ang kasabihang “ang nangyari na ay muli mangyayari pa dahil dito sa mundo ay wala namang bago.”

Bilangin ang guhit ng tukso at kung ano ang bilang, iyon din ang bilang na siya ay matutukso. Kung dalawa, dalawang tukso ang aabutin niya. Kapag tatlo, tatlong tukso rin ay mararanasan niya at kapag apat, apat din  pero may babalang siya ay talagang sobrang mahina kaya siya ay  paulit-ulit na matutukso.

Ang nadadarang sa tukso ay  hindi tunay na love dahil ang tunay na love ay nagpapaganda ng buhay o kapalaran samantalang ang tukso ay nakakasira ng buhay at kapalaran.

Dahil  dito, ipinaalala sa lahat na kapag may nakitang guhit ng tukso sa nagpapakita sa kanya ng  pagtingin, nagpapadama ng pag-ibig o pagnanasa, agad na uumiwas dahil pwedeng-pwedeng madamay siya sa  buhay na nawasak ng tukso.

Nasa huli ang pagsisisi, ito ang babala para sa mga taong maglalakas ng loob na alamin kung totoo  ba ang ating tinatalakay sa ngayon. Kaya muli, mas maganda ang umiwas kaysa sa  masira ang buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here