SM MOA Arena, capacity crowd sa ONE: Legends of the World

0
35
LAKAY Team: Tuloy-tuloy na praktis at pag-aral para sa susunod na mga laban. (Photos by MAX FERRER)

TAGUMPAY ang ONE Championship™ (ONE), the largest sports media property in Asian history, sa 64th events na ONE: Legends of the World na ginanap noong Nobyembre 10, sa State-of-the-Art facility ng SM Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City.

Capacity crowd ang SM MOA na sinaksihan ang laban ng ten bout weight class sa ONE circular cage.

Bagamat natalo ang dalawang pambato ng Pilipinas na miyembro ng LAKAY Team, hindi malilimutan ang makasaysayang gabi ng laban sa Maynila.

Sa Strawweight bout, panalo sa pamamagitan ng knockout (KO) si Peng Xue Wen ng China laban kay Phat Soda ng Cambodia sa round 1 na naorasan ng 2:15 minutes.

Tinalo sa pamamagitan ng technical knockout (Doctor’s Stoppage), sa round 1 (1:48 minutes) ni Xie Chao ng China si Kelvin Ong ng Borneo Tribal Squad MMA team para sa Featherweight bout.
Naglaban naman ang dalawang Filipino para sa Strawweight bout, kung saan panalo si Joshua “The Passion” Pacio kontra kay Roy “The Dominator” Doliguez sa pamamagitan ng knockout (KO) sa round 2 (0:38 minutes).

Martin “The Situ-Asian” Nguyen: Two title belt holder ng ONE Championship.

Sa Women’s atomweight bout, kampeon ang Filipina fighter na si Gina “The Conviction” Iniong kay Priscilla Hertati Lumban Gaol sa pamamagitan ng TKO (Strikes) sa oras na 2:12 minutes (round 2).
Wagi naman sa Featherweight bout si Chinese martial arts superstar “The Ghost” Zhao Zhi Kang sa pagtalo niya kay Cambodian standout Thai Rithy sa pamamagitan ng Submission (Rear Naked Choke) sa oras na 2:31 minutes (round 1).

Sa Flyweight bout, si Reece “Lighting” McLaren ay nanalo kontra kay Anatpong Bunrad sa pamamagitan ng Submission (D’arce Choke) sa oras na 4:52 minutes (round 1).
Panalo naman si Brazilian jiu-jitsu world champion black belt Alex “Little Rock” Silva na tinalo si unbeaten Japanese prospect Hayato Suzuki para sa Strawweight bout by Submission (Armbar) sa oras na 1:22 minutes (round 1).

Hindi naman nagpahuli ang isa sa LAKAY Team para sa Bantamweight bout na si Kevin “The Silencer” Belingon at tinalo si South Korean-American dynamo Kevin “Oldboy” Chung sa pamamagitan ng Unanimous Decision (UD) matapos ang 3 rounds.
Sa huling dalawang laban, lalong naging maingay ang loob ng SM MOA Arena, kung saan ang co-main event na ONE Flyweight World Championship bout, ay nagharap sina Adriano “Mikinho” Moraes ng Brazil (Constrictor Team / American Top Team) at Danny “The King” Kingad ng Pilipinas (LAKAY Team).

Naunahan ni Moraes sa puwestuhan si Kingad, dahilan upang matalo ang LAKAY member sa pamamagitan ng Submission (Rear Naked Choke) na naorasan ng 4:45 minutes mula sa round 1.
Lalong tumindi ang dagundong na gumulong na ingay ang idinulot ng mga MMA fans sa loob ng MOA Arena para sa main event na winner take all title ng ONE: Legends of the World Championship sa paghaharap nina Filipino Mixed Martial Arts/ONE Lightweight World Championship Eduard “Landslide” Folayang at ONE Featherweight World Champion Martin “The Situ-Asian” Nguyen.

Ang matinding ingay na idinulot ng maraming tagahanga bago ang laban nina Folayang at Nguyen ay nabalot ng katahimikan dahil sa hindi inaasahang pagbagsak ng “Landslide” sa circular cage.
Hindi naidepensa ni Folayang ang kanyang ONE lighweight title.
Ang kabiguan o pagkatalo ay isang kalagayan kung saan hindi nabuo o nakumpleto ang isang layunin o minimithing tagumpay matapos na ma-knockout (KO) ito ng “The Situ-Asian”.

Sa unang round naging maganda ang laban at depensa ng Filipino fighter na miyembro ng LAKAY Team, subalit sa pangalawang round na pagsugod ni Folayang ay natiyemuhan ni Nguyen ang pag-atake at magkakasunod na binanatan ni Nguyen si Folayang at napatumba sa oras na 2:20.


Nasa kamay ngayon ng Australian-Vietnamese na si Nguyen ang One Championship Featherweight at One Lightweight belts.
Sa mga gustong mapanood ang maaksyon laban ng ONE: Legends of the World mag-log on sa 
www.onefc.com/livestream para sa full replay ng mga bakbakan (only US $9.99).


For more updates on ONE Championship, please visit 
www.onefc.com, follow us on Twitter and Instagram @ONEChampionship, and like us on Facebook at https://www.facebook.com/ONEChampionship.

Sa Friday, November 24, gaganapin sa Singapore Indoor Stadium, ang ONE: Immortal Pursuit. ABANGAN!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here