Sino nga ba si Pia Cayetano?

0
29

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Ang incumbent member ng Philippine House of representative na si Pilar Juliana Schramm Cayetano o mas kilala bilang Pia Cayetano ay dating senador at mambabatas, ay naging Cum Laude ng Bachelor of Arts in Economics sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa eskuwelahang din iyon siya kumuha ng Bachelor of Laws at nag-Top 7. At para sa kaalaman ng lahat siya ay kapatid ng DFA (Department of Foreign Affairs) Secretary na si Allan Peter Cayetano at anak ng yumaong batikang mambabatas na si Renato “Companero” Cayetano.

Hindi na nakapagtataka na halos umikot na ang buhay ni Pia sa pulitika dahil ang ama niya’y hindi lamang abogado at mamamahayag, naging  sikat na senador din dahil sa matatapang na pakikipaglaban para sa mga mahihirap at mga walang boses na mamamayan.Tulad ng ama, marami ring inihaing batas si Pia at naging co-author ng iba pa na makatutulong sa mga mamamayan. Isa na rito ang Reproductive Health law ( RA 10354) na naglalayong maikalat ang kaalaman tungkol sa Reproductive Health, tulungang maipaabot ng mas madali ang mga ligtas at modernong pamamamaraan ng contraception, tulungan ang mga pamilya sa mas maayos na pagpaplano ng pagbuo sa pamilya at pangangalaga sa kalusugan ng mga ina. (kalusugan.ph)

Siya rin ang nagsulong ng Graphic health Warning Act (10643) kung saan hinihikayat ang malalaking kompanyang nagpo-produce sa pagbebenta ng sigarilyo na magkaroon ng mga graphic images o larawan ng masasamang dulot ng paninigarilyo. Ang ilan pang batas na kanyang isinulong ay ang National Health insurance Act (RA 10606), Foster Care Act (RA 10165), Mandatory Infants and Children Immunization Act (RA 10152), Establishment of Persons with Disability Affairs Office Act (RA 10070) at marami pang iba. Bukod sa pagiging mambabatas, siya rin ang founder ng Gabriel Symphony Foundation na tumutulong sa mga batang may kapansanan at may mga nakamamatay na sakit. Maging ang Companero Rene Cayetano Foundation na tumutulong sa mga taong nangangailangan lalo pa pagdating sa kanilang kalusugan at edukasyon.

At dahil madalas siyang sumali sa triathlon, isa na rin siyang sports enthusiast, nag-uuwi rin siya ng mga parangal. Noon ngang kabataan niya’y pambato siya ng UP kaya naman madalas niyang hinihikayat ang mga kabataan na mas maging involve sa sports imbes na sa mga bisyo at mga laro na kung tawagin ay ‘digital’.

Noong ngang nakaraang taon ay nagpahayag pa siya ng kanyang pagsuporta sa volleyball team ng UP sa UAAP volleyball games. Ni hindi niya itinanggi ang katotohanang kahit pa isa na siyang sikat na mambabatas ay nami-miss pa rin niya ang paglalaro ng volleyball.“…I’m still an athlete. It’s not something I’ve left. I just don’t play volleyball anymore. I compete regularly in triathlons, but I do miss volleyball. Everybody knows that volleyball is my first love.” Kaya, hindi na nakapagtataka na bansagan siyang ‘Pinay in Action’ sa Senado dahil na rin sa mga nakamit niyang tagumpay sa iba’t ibang larangan at organisasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here