Sila ang mga kaawa-awang anak

0
17

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Kung sila ay pagmamasdan mo, makikita mo na para lang silang ordinaryong bata na sa kalye ay naglalaro pero hindi. Huwag mong isipin na masaya sila sa kanilang buhay. Maaari ngang happy sila dahil nagagawa nilang makapaglaro pero alam kong naghihirap sila, wala lang talaga silang magawa kundi tanggapin ang kanilang kapalaran.

Mayroon naman silang mga magulang kaya hindi sila matatawag na ‘ulila’ ngunit sa halip na sila ay alagaan ng mga magulang na siyang dahilan kung bakit sila naluwal sa mundong ‘ginagamit’ pa sila ng mga ito para kumita. Sila kasi ‘yung mga kabataan na makikita nating sumasampa sa jeep para mamalimos.

Kung pagmamasdan mo sila, sadyang kaawa-awa talaga sila. Dapat kasi, sila ay matatagpuan sa paaralan. Dapat ay nag-aaral sila. Sa pamamagitan noon ay magkaroon sila ng pagkakataon na magkaroon ng magandang buhay pero parang naisip ng kanilang mga magulang na sila ay pag-aralin. Kunsabagay, kung hirap na nga ang mga magulang nila na kumain sila sa araw-araw, talaga ngang imposible pang kayanin ng mga magulang maibili pa sila ng bagong uniform, lapis, papel at kung anu-ano pa.

Pagkain ang pangunahing pangangailangan ng mga tao, kaya naman ang sinasabi ng mga magulang ng mga batang ito, kailangan ay mayroon silang makain sa araw-araw upang sila ay mabuhay. Mangyayari lamang iyon kung magtatrabaho sila. Pero, ano bang trabahong kanilang magagawa kundi ang mamalimos.

Kahit na nasa edad, walo hanggang labing isa lamang sila ngunit alam na nila ang lugar na kanilang pupuntahan. Kailangan kasi nilang sumampa sa jeep para magbigay ng sobre at makapanlimos. Sa kakaunting barya na iyon, maaari na silang makabili ng tinapay na pagsasalu-saluhan nilang pamilya. Kung susuwertehin naman ay may maidadagdag pa silang gatas na maaari nilang mainom. Ngunit, parang imposible namang makakaramdam sila roon ng kabusugan.

Kaya, kung mayroon lang din naman akong pagkain at may makita akong batang namamalimos, ibinibigay ko na lang sa mga kapus-palad. Iniisip ko rin na mapalad ako at may mga magulang ako kaya nakapag-aral ako. Kaya, kailangan naman kahit papaano, kung makakaya ko rin naman, magbibigay rin ako ng tulong.

Kung ngayon pa lang kasi ay kaawa-awa na ang mga hitsura ng batang ito, siguradong sa kanilang paglaki ay mas mapapariwara pa ang kanilang buhay kung hindi sila magagabayan ng husto. Hindi kasi maaaring masanay na lang sila palagi sa gutom, nakakaiyak kaya iyon. May mga pagkakataon din na ang sakit-sakit ng ulo mo. Kaya, hindi ko siyempre gugustuhin na mangyari sa akin iyon o sa aking anak.

Kaya naman masasabi ko na napakapalad ko at nagkaroon ako ng Mommy at Daddy. Dahil sa kanila, hindi napariwara ang buhay ko. At bilang pasasalamat, gusto ko namang maambunan ng suwerte ang ilang mga kabataan na nakikita kong nakikipaglaban sa kamiserablehan ng kanilang buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here