Si Hanamichi Samuragi ng Slamdunk sa tunay na buhay

0
22

Kilala pa ba ninyo si Hanamichi Samuragi, ang idol natin sa anime na Slam Dunk? Alam n’yo bang ang guwapo pala ni Hanamichi Sakuragi sa totoong buhay?

Si Hanamichi Sakuragi kilala natin na isang bayolenteng estudyante sa isa sa mga paborito nating anime. Ang pulang buhok na iniidolo nating si Hanamichi Sakuragi ay totoo pala. Kung ano ang itsura at ugali ni Hanamichi Sakuragi sa paborito nating anime ay ganoon din pala sa totoong buhay.

Hindi lang guwapo si Hanamichi Sakuragi sa totoong buhay, mapagmahal din sa tatay.

Si Hanamichi Sakuragi ay isinilang noong 1968 at nagmula sa isang simpleng pamilya, subalit siya’y uhaw sa pagmamahal ng ina dahil bata pa lang siya nang namatay ang kanyang ina.Lumaki si Sakuragi na kulang sa pagmamahal kaya lumaki siyang bayolente. Laging naghahanap at nakakakita ng away kahit saan siya magpunta. Siya’y walang kinatatakutan.

Labing dalawang taong gulang pa lang si Hanamichi Sakuragi subalit 5’7” na siya at dahil sanay sa street fighting, mayroon itong matikas at malakas na pangangatawan.

Habang nakikipag-away si Hanamichi Sakuragi sa mga estudyante ng University of Tokyo sa isang sports zone ay nakita siya ng isang basketball coach at napabilib ito sa kanyang lakas at nakita inyong wala siyang kinakatakutan at malaki rin ang kanyang pangangatawan. Hindi nagdadalawang isip ang nasabing coach na yayain si Hanamichi Sakuragi na mag-join sa kanilang team.

Sumali naman si Sakuragi sa nasabing basketball team at naging magaling na itong manlalaro dahil matiyaga rin itong mag-ensayo.Labing pitong taong gulang na nagsimulang maglaro si Sakuragi against the National Team of Japan. Sa edad na labing pitong taong gulang ay 6’2” na siya kaya matatawag na unique si Hanamichi Sakuragi dahil ang mga tao sa Japan ay hindi matatangkad.

Si Hanamichi Sakuragi ay may tiwala sa kanyang sarili kaya sa tuwing manlalaro ito ng basketball ay hindi ito natatakot sa mga professional na basketbolista at sa unang laro pa lamang naka-33 points na ito, 10 shots, 3 nailed, 1 triple,1 shot na hindi ma- explain kung anong terminology ng shot na iyon dahil si Sakuragi ay bigla na lang tumatalon ng napakataas at nag-shoot ng hindi inaasahan ng lahat.

Si Hanamichi Sakuragi ay pinangalanganan bilang “The Hope of the Japanese Basketball”,subalit pagkaraan ng isang taon nagkakasakit ang tatay ni Sakuragi at ito’y bumalik sa Tokyo upang puntahan ang kanyang mahal na tatay ngunit nangyari ang hindi inaasahan ng lahat.Pagdating ni Sakuragi sa Tokyo ay nagmamadali itong bumaba sa bus at hindi alintana ang nasa paligid nito. Bigla itong tumawid at ito’y nabunggo ng kotse. Dahil sa pag-aalala para sa kanyang ama ay parang blangko ang isipan ni Sakuragi.

Kahit nabansagan si Hanamichi Sakuragi na may “body of steel” ang impact ng pagkakabunggo sa kanya ay masyadong malakas.Nag-collapsed agad si Sakuragi at dinala siya agad sa hospital. Ngunit, sa kasamaang palad, huli na ang lahat. Bago ito madala sa operating room ay namatay si Hanamichi Sakuragi dahil sa internal hemorrhage.

Namatay si Hanamichi Sakuragi sa edad na labing walong taong gulang.Nakakalungkot isipin na mas nauna pang namatay si Hanamichi Sakuragi kaysa kanyang ama dahil sa sobrang pag-aalala dito.

The World of the Japanese Basketball was completely destroyed at tinatawagan nila itong loss colossal. Para hindi makalimutan ang alaala ni Hanamichi Sakuragi ay ginawang ng anime version ang tungkol sa buhay ni Hanamichi Sakuragi. Ang “Slam Dunk”.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here