Seven Sundays — MOVIE REVIEW

0
100

MAMAMATAY na ako! ito ang text ni Manuel Bonifacio (Ronaldo Valdez) sa kanyang mga anak na sina Allan (Aga Muhlach), Bryan (Dingdong Dantes), Cha (Cristine Reyes) at Dexter (Enrique Gil) na mayroon ng kanya-kanyang buhay kaya parang hindi na nag-e-exert ng effort na puntahan siya at kamustahin.

Bilang ama, napakasakit namang makalimutan ng kanyang mga anak dahil pakiramdam niya ay wala na siyang kuwenta. Ni hindi nga nagawa ng kanyang mga anak na magkaisa para magpunta sa kanyang kaarawan. Kaya ng sabihin ng kaibigan niyang doctor na dalawang buwan na lamang ang itatagal ng buhay niya, nakapag-isip na siya ng paraan para mapagsama-sama ang kanyang mga anak. Hiling lang naman niya ay magsama-sama silang pamilya tuwing Linggo.

Para sa iba, masyadong OA ‘yung alam na nilang pitong linggo lang ang itatagal ni Ronaldo Valdez. May magsasabi pa na, halatang ipinilit lang ang titulo. Well, para sa kaalaman ng lahat, ang cancer ay talagang mapanganib na sakit lalo na kapag ito’y sa sa dugo o sa buto. Kaya nga lang, napag-alaman na hindi naman talagang cancer ang sakit ni Manuel kundi TB. Kaya nga lang, sa pagkakaalam ko ay mas delikado nga ang TB. Sana ginawa na lang bronchitis para hindi na mas makuwestiyon pa. Kapag TB na kasi, parang ‘di na makagulapay pa. Ubo nang ubo at nagsusuka ng dugo ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi ko nakita. Marahil, inakala ng director, writer at ilang artista na hindi na mapapansin ang detalye na iyon.

Mas itinuon kasi ng mga bumuo ng pelikulang Seven Sundays sa problema ng pamilya kaya hindi na halos pinansin ang mahahalaga sanang detalye. Ngunit, dahil nga sa magagaling ang mga artista, parang nakalimutan natin iyon. Tutok na tutok kasi tayo sa panonood kaya habang nasa loob tayo ng sinehan ay hindi natin magagawang pintasan iyon. Para kasing ang layunin talaga ng mga artista ay durugin ang puso ng manonood. Lahat kasi ng magkakapatid ay mayroong insecurity na nararamdaman.

Ngunit, alam kong mas mapapaganda sana ang pelikula kung gumamit sila ng flashbacks. Ngunit, mas ninais nilang magsabi na lamang ng mga backstory kaya parang hindi ko sila ganoong nakilala. Ngunit, dahil sa emosyon na binabato nila sa isa’t isa, nagagawa na nating maka-relate. Tiyak din na marami ang napaiyak. Actually, sa umpisa pa lang. Habang naglalagay pa lamang sila ng mga sulat sa lata ay napapaiyak na ako. Ang sakit kasi sa puso. Pakiramdam ko nga ay durog na durog ang puso ko.

Kung hindi pa ninyo napapanood ang Seven Sundays, huwag na kayong magpatumpik-tumpik pa dahil the best na pelikulang pampamilya ang Seven Sundays.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here