Sept 9, National University vs University of the East

0
44

Simula pa lang ng laro ay talaga nga namang pinapakita ng NU na sabik sila na makuha ang unang panalo at sa first quarter palang naka full court trap na sila at sa score na 8-2 agad nag time out ang UE. Ngunit hindi sila nagpadaig at pilit nilang dinidikitan ang score ng NU pero hindi ito naging sapat at natapos ang first quarter sa score na 20-13. Naging susi ng NU ang pressure nila laban sa UE at ang kanilang inside scoring at defense.

Simula pa lang ng 2nd Quarter ay nakuha na ng UE ang kanilang pang walong turnover na nakakabahala. Sa NU naman ay naging maalat ang simula ni JJ Alejandro na nagtala ng 0/5 Field Goals. Dito tuluyan ng nadikitan ng UE ang NU at nag all pa sila sa iscore na 20-20 ngunit pinutol ni Gaye ng NU ang run ng UE sa pamamagitan ng free throw. Medyo naka adjust na ang UE dahil ilang beses nilang na all pero napanatili pa rin ng NU ang kalamangan pagkatapos ng 2nd Quarter na may score na 38-30.

Halftime Analysis

Lamang ang NU sa Field Goal percentage (35%) kontra (32%) ng UE. Lamang din ang NU sa rebounds (37) kontra sa (24) ng UE.  Lamang naman ang UE sa Fastbreak points (12) at (0) naman para sa NU

Ang mga leading scorers naman ng dalawang kupunan ay sina:

Pasaol ng UE- 8 points

Morido ng NU- 9 points

Sa 3rd Quarter naman pinapakita talaga ng UE na kaya nila ang NU kaya pinapagpapatuloy nila ang pagdikit dito sa pamamagitan ng fastbreak points. Pero pinapakita naman ng NU na hindi din sila magpapatalo. Sa 2:48 na minutong nalalabi sa 3rd Quarter inangat pa ng NU ang lamang sa 13 at umabot pa sa 14. Natapos ang 3rd Quarter sa iscore na 66-53.

Naging maganda ang simula ng UE sa 2nd at 3rd Quarter pero nakasasagot ang NU dito kaya naibabalik din ang lamang. Kayanin pa kaya ng UE?

Simula ng 4th quarter ay nag iistruggle na ang UE at foul trouble pa ang Team Player na si Pasaol at naiangat pa ng NU sa 17 na may 3:50 nalalabi sa orasan. Tuluyan na ngang natalo ng NU ang UE at may final score na 86-69. Ang player of the Game ay si Dave Yu. Ang kasunod na laban ay Ateneo vs Adamson.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here