SARAH GERONIMO: POPSTAR ROYALTY NA MAHAL NG MASA

0
58

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Si Sarah Asher Tua Geronimo o mas kilala sa pangalang Sarah Geronimo o Sarah G. ay isang sikat na singer, dancer, songwriter, record producer, actress at television personality—sa madaling sabi isa siyang total performer. Kaya naman hindi na nakapagtatakang tawagin siyang Popstar Royalty at Philippines’ Ultimate Pop Superstar ng kanyang mga tagahanga hindi lamang dahil sa kanyang kagalingan sa kanyang mga “work of art” ika nga, kung hindi maging sa pagiging isang ehemplo sa mga kabataan.

Sa edad na labing-apat ay nagsimulang makilala sa mundo ng pag-awit ang Popstar Royalty ng sumali siya at manalo sa isang singing competition sa telebisyon noong 2003, ang Star for A Night kung saan ang host ay walang iba kung hindi ang Asia’s Songbird na si Ms. Regine Velasquez.

Napakarami nilang magagaling na contestant ngunit binihag ni Sarah ang puso hindi lamang ng mga judges kung hindi maging buong sambayanan sa kanyang rendition ng awitin ni Celine Dion na To Love You More. Hindi na nakapagtataka na kahit natapos na ang naturang palabas ay maririnig mo sa kahit saang sulok ang awiting nagpapanalo sa dalaga.

Matapos niyang manalo ay agad siyang pumirma ng kontrata sa Viva Records at agad na nag-release ng kanyang debut album na may titulong Popstar: A Dream Come True noong taong 2003. Sa album na iyon nagmula ang kanyang isa sa pinakakilalang awitin na pinamagatang Forever’s Not Enough. Ang album niyang iyon ay nakatanggap ng multi-platinum record at nanalo pa ng dalawang Awit Awards.

Taong 2004 ay gumawa siya ng isang malaking move para sa kanyang karera ng pumirma ng kontrata sa Kapamilya Network. Doon niya sinimulan ang kanyang kauna-unahang television series na Sarah, the Teen princess at naging mainstay host ng Sunday variety show na ASAP.

Doon nagsimula ang lalong pagkinang ng bituin ng Popstar Royalty. Naging sunud-sunod hindi lamang ang kanyang mga album, concerts, at shows kung hindi maging ang kanyang mga seryeng pinagbibidahan, pelikula at TV shows.

Noong taong 2006 ay isa siya sa maincast ng remake ng pelikulang Bituing Walang Ningning habang ini-release din ang kanyang album na Becoming.

Ang kanya ding mga concert ay madalas na sa Smart Araneta Coliseum o di kaya ay sa Mall of Asia Arena ginaganap na nakamamanghang nagagawa niyang punuin o gawing sold-out ang concert tickets.

Taong 2008 ay isang bagong loveteam ang nabuo ng gumanap siya bilang si Laida Magtalas sa pelikulang A Very Special Love kasama si John Lloyd Cruz. At sa kanyang album na Taking Flight ay nabigyan siya ng pagkakataong maka-duet ang Backstreet Boys member na si Howie Dorough sa awiting “I’ll Be There”.

Nang sumunod na taon, dahil sa napakagandang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang tambalan ni John Lloyd Cruz ay agad na nasundan ang kanilang pelikula na pinamagatang You Change My Life at bumiyahe din sa Amerika para sa kanyang The Next One concert tour.

Naging partner din niya sa pelikula sina Gerald Anderson, Coco Martin at Piolo Pascual. Tapos nag-judge din siya sa The Voice of the Philippines na inabangan din ng kanyang mga tagahanga.

Pagdating sa kanyang musika ay unti-unti ring nagbagong bihis ang Popstar Royalty. Sa kanyang album na Expressions, kung saan puro original songs ang laman, ipinakita niyang mayroon pa siyang maipapakita at maibibigay upang pasayahin at pamanghain ang mga tao.

Matapos din ang ilang taong paghihintay ng mga fans ng tambalang AshLloyd ay nagkaroon ng sequel ang kanilang pelikula na pinamagatang It Takes A man and A Woman na itinanghal bilang highest grossing Filipino of all time.

Taong 2014 naman ay inilabas niya ang kanyang pang labing-isang album na pinamagatang Perfectly Imperfect na awiting isinulat ng international music producer na si Adam Hurstfield at Canadian singer na si Elise Estrada.

Sa taon ding iyon ay ibinahagi ni Sarah ang pagkatupad ng isa sa kanyang mga pangarap—ang mag-interpret sa theme song ng isang pelikula ng Disney, ang The Glow.

Taong 2015 ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging brand ambassador ng Oppo Philippines.

We chose Sarah as our first ambassador because we think she’s an ideal for Oppo. She brings an unmatched combination of freshness and elegance to the table, and that’s what we want in an endorser.Ito ang naging pahayag ng CEO ng Oppo Philippines.

Kabi-kabila din ang kanyang mga naging endorsements sa mga nakalipas na taon at tila lahat ng kanyang ine-endorso ay nagiging kilala at sikat sa buong bansa.Halos lahat kasi ay gustong gamitin ang mga iyon—mapa-sabon, shampoo, lotion, cellphone, insurance at kung anu-ano pa.

At nitong taon lang ay naging napaka-successful din na pinakahuling pelikula ng AshLloyd na pinamagatang Finally Found Someone.

Tunay ngang hindi mapantayan ang kasikatan ng nag-iisang Popstar Royalty, pero higit sa kanyang galing sa pag-awit, pagsayaw, pag-arte at pagpe-perform ay ang kanyang ugali ang isa sa nagpakinang pang lalo sa kanyang bituin. Nanatili siyang isang humble sa kabila ng katotohanang nasa rurok na siya ng tagumpay at nanatiling may pananamantalaya sa Diyos at nakikinig sa payo ng kanyang mga magulang.

Nakatutuwang isipin na tila sa mga nakalipas na taon ay tila nangolekta lamang ng mga award ang Popstar Royalty sa dami ng mga awards at nominations na kanyang natanggap sa loob at labas man ng bansa.

Mantakin mo nga ba naman na magkaroon siya ng 8 Aliw Awards, 12 na Awit Awards, 26 Myx Music Awards, 17 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment (GMMSF) awards, 8 PMPC Star Awards for Music, 4 na FAMAS awards, 1 Mnet Asian Music Award (host country Hong Kong, 2012) , 48 ASAP Pop Viewer’s Choice Awards, 1 Nickelodeon Philippines Kids’ Choice Award, 1 MTV Europe Music Award (host country ang United Kingdom, 2014), 2 Hello Asia Awards (host country ang Australia, 2015 at 2016), 1 International Song Contest: The Global Sound (host country ang Australia, 2015), 4 na World Music Awards (host country ang Monaco, 2014), 2 KBP Golden Dove Awards, 1 Cartoon Network Philippines New Generations’ Survey Awards, 3 Yahoo! Philippines OMG! Awards, 8 Anak TV Seal Awards, 1 Big Apple Music Awards (host country ang America, 2016) at 1 Classic Rock Awards (host country ang Japan, 2016).

Kaya naman hindi nakapagtataka na mapa-bata, dalaga o binata, o mapa-matanda man ay iniidolo ang Popstar Royalty.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here