Sa palad makikita ang taong dapat makarelasyon

0
84
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

“A life  without Love is not Life at all but too much love is a like life in a Hell.” 

     Ito ang masaklap na katotohanan sa pag-ibig. Oo nga’t masarap ang magmahal pero kapag ang pagmamahal ay sobra-sobra, naglalaho ang ligaya. At maaari kang magkaroon ng malaimpiryernong buhay.  

    Ikaw gusto mo bang  mabuhay  sa napakahirap na sitwasyon na ang nagmamahal sayo ay sobrang magselos? Aanhin mo ang pagmamahal kung sobra kang hinihigpitan. Nakasasakal ‘yun at wala kang  kalayaan. Paano ka liligaya kung pinapasama niya ang loob mo, binubugbog ka pa? 

       Makaiiwas ka ba sa malupit na pakikipagrelasyon? Gamit ang kaalaman sa The Arts and Science of Palmistry, pwedeng  hindi mo danasin ang ganung kamiserableng lovelife. Dahil  ang  kaalaman ay  sandata para  makaiwas sa kamiserablehang maaari mong sapitin.   

         Kaya nga kahit kailan ang sinasabing “Knowledge Is Power” ay manatiling tama sa habang panahon. Kumbaga,  kung wala kang  power,  ikaw ay powerless at kapag powerless ka, pwede ka talagang mabiktima ng  lovelife na kasuklam-suklam. 

      Mula sa The Arts and Science of Palmistry, narito ang  paraan  para malaman kung ang  isang nilalang ay sobrang selosa or seloso.  

    Kapag ang  The Heart Line ay napakahaba na umaabot sa gilid ng palad sa bandang ibaba ng  daliring Hintuturo at  nagmula rin sa gilid ng palad sa ibaba ng Daliring Hinliliit (May mga bilog sa larawan) ang  taong iyon, babae man o lalaki ay sobrang  selosa or seloso. 

     Dahil  dito, kung ang iyong manliligaw o nagkaka-crush sa’yo ay may The Heart Line na tulad ng nasa larawan, iwas na, as in, layo na, dahil ikaw ay mapapahamak lang. 

   Kung nagkataon naman na sa kasalukuyan ay   ganyan ang larawan ng The Heart Line ng iyong karelasyon o asawa, “Siya ay iyong layasan!”   

  Muli, “Knowledge is Power” pero  magagamit lang na sandata kapag ang kaalaman ay   ginamit sa buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here