Sa loob ng 13 sa showbiz…MGA TAGUMPAY AT KABIGUAN NI ERICH GONZALES, ALAMIN!

0
25

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Isang malaking pagbabago sa buhay ni Erika Chyselle Gonzales Gancayco o mas kilalang Erich Gonzales ang taong 2004 kung saan nanalo siya sa second season ng Star Circle Quest bilang Grand Questor. Matatandaang nahuli niya ang puso hindi lamang ng mga judges kung hindi maging ng masa. Hindi lamang dahil sa kanyang ganda kundi sa kanyang pag-arte. Si Erich na yata ang may pinakamagandang mukha kapag umiiyak. Iyong tipo na kahit nakatawa ay tumutulo ang luha sa mga mata na tila gripong inaagusan ng tubig. Taal siyang taga-Davao City kaya naman ang kanyang first language ay Bisaya ngunit hindi dahilan ito para siya’y mahirapan sa pag-arte.  

Kuminang ng husto ang kanyang bituin ng mabigyan siya ng pagkakataon na gumanap sa TV adaptation ng 1980 film na pinamagatang Katorse, ito’y tungkol sa dalagitang nagmahal, nasaktan at  ina. Sa nasabing teleserye ay si Ejay Falcon dapat ang kanyang mga magiging kapareha ngunit ng makitang mas nangingibabaw ang chemistry nina Erich at Enchong Dee, na dapat ay isang minor character lamang ng mga panahon na yun, hindi nagdalawang isip ang management na baguhin ang twist ng nasabing kwento. Doon nagsimula ang sunod-sunod na proyekto ng magka-loveteam na nabigyan pa ng pelikulang tunay na tumatak sa puso ng masa—ang I Do.  

Sunod-sunod din ang naging teleseye ni Erich. Taong 2015 ay naging mas maingay pa kaysa sa dati ang kanyang pangalan ng mapabalitang isa silang ‘item’ ni Brapanese o Brazilian-Japanese actor/model na si Daniel Matsunaga. Ayon sa dalawa ay naging sila lamang matapos mag-break ni Erich at ng kanyang longtime non-showbiz boyfriend pero hindi nito napigilan ang mga ismid at pagtataas ng kilay ng mga netizens. Ayon sa ‘hinuha’ ng ilan ay si Daniel diumano ang dahilan kaya tuluyang nagkahiwalay ang dalaga at ang non-showbiz boyfriend nito. Naging close sila sa kanilang programa nilang Two Wives at doon na nga nagsimula ang lahat ng kanilang pagkakamabutihan. 

Kapag magkasama kami, lagi niyang tinatanong, ‘Are you okay? Is there anything you need?’ laging ako muna. He makes sure na kumportable ako, na safe ako, na okay lagi. It’s a nice feeling na tini-treat kang ganun. Sobra siyang maalaga. Napakagaan kasama kahit hindi sa akin.”  Ito ang saad ni Erich sa programang Kris TV ng siya’y ma-interview.  

Sa loob ng halos dalawang taon ay naging vocal ang dalawa para sa nararamdaman para sa isa’t isa—mapa-interview man sa TV o sa kanilang mga social media accounts. Nabigyan pa ng teleserye ang magnobyo noong nakaraang taon ay nagtapos lamang noong Nobyembre 2016 kaya naman lalong mas naging evident ang ka-sweet-an at chemistry ng dalawa—hindi tuloy maiwasan noon ng ilan na isiping sila na nga ang magkakatuluyan hanggang sa huli. Ngunit, nu’ng Pebrero ay nagtapos ang kanilang relasyon. Nagsimula ang pag-ugong ng mga bulung-bulungan ng i-delete ni Erich ang  larawan nila ni Daniel sa kanyang Instagram.  

“I think I just have to accept na may mga bagay po talagang we cannot control. Life goes on. I deleted the photos. I unfollowed them. I just want to help myself.” Ito ang saad ni Erich sa isang interview. Lalo namang naging maingay ang kanilang break-up ng  magbigay ng  pahayag ang dalaga na,  “Siguro kapag nagmahal ka, kailangan magtira ka para sa sarili mo.”  

Itinanggi ng dalawa na third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan ngunit ng magkomento si Erich ng  tungkol sa pera: “Tungkol sa pera, ayoko nang magdetalye tungkol diyan because just like what I’ve said, I just want to move on.” Ito ang naging daan upang malagay sa isipan ng mga tao na maaaring pera o problemang pinansyal ang dahilan nang hiwalayan ng dalawa.  

Dahil dito ay hindi naiwasan ng kapatid ni Daniel na magkomento. “Hi Erika, how are you? I’m really sorry to send you this message. Daniel asked our family, friends and fans to keep quiet and not fight back or even reply to any comments, but the truth is I can’t keep quiet when people are invading my privacy asking us if we owe you money and saying that you were spending on us! I can’t believe this is even happening. How can people even speculate about this right? I know you answered the interview with the best of your ability, I understand it’s hard to answer too many questions but I honestly wish you had addressed the money issue. You guys don’t owe an explanation to anyone and I know both of you are hurting and want privacy right now. Please look back at the good times. Remember, you were with us for two years, you were included in every family plan, trips, weddings, we took care of you and your family and took in consideration your preferences and watched over you. I’m not here to measure what we did for each other because this is love and it comes with it naturally. All I’m saying is I’m very sad to see people defaming not only you and my brother but also my mom and family. You know my mom and she definitely doesn’t deserve this. As a matter of fact, we are still defending you from all the hate as much as we can. We all love you to the best of our abilities and with all our hearts. It’s your choice to unfollow us, delete your photos, some people move on that way, “out of sight out of mind”, others would like to treasure the memories, whatever works best right? Whatever it is we respect that and chose to give you your privacy. So please forgive me if you are receiving this message here, I would’ve sent this to your inbox but now my messages get to you as a spam. Anyways, I’m asking you to please address this issue, people are calling us users, but you know best and you know the truth. I’m counting on your integrity, dignity and your love for our Lord Jesus. Love you! Isabella misses you! We will always be here for you.” (@vanessamatsunaga)  

Hindi rin maaaring masisi ng mga tao ang kapatid ni Daniel dahil na rin kabi-kabila ang mg bashers at detractors ng aktor dahil na rin sa naganap. Ni hindi na napigilan ni Vanessa ang makipagsagutan sa isa sa mga ito sa Instagram at ipinagtanggol hindi lamang ang sarili kung hindi maging ang kanyang buong pamilya at ang kanilang Christian belief. Kalaunan ay namatay din naman ang issue dahil na rin sa mas ninais ng dalawang concerned party na paghilumin na lang ng oras ang mga sugat at sakit na naging dulot ng hiwalayan. Hindi naman ito naging mahirap dahil na rin parehong abala sa trabaho ang dalawa—sa kani-kanilang mga proyekto.  

At noon lamang Hunyo nitong taon ay isiniwalat ni Erich ang ilan sa kanyang mga ginawang proseso upang tuluyang maka-move-on: (news.abs-cbn.com)  

1. “You just have to accept e. May mga bagay talaga na kahit anong gusto mong mangyari, hindi talaga e, kasi hindi talaga e, hindi talaga yun para sa’yo. (Ito ang kanyang pagbibigay diin)

2. Train your mind to see the good in everything.

3. Focus on the now, hindi na yung past: ‘yung now and then yung future mo.

4. Do things that will make you feel whole.

5. It’s also important to prioritize yourself. It’s not being selfish, it’s necessary.

6. If you wanna be strong, you have to learn how to be alone. Like me—alone but not lonely, di ba?  

Sa ngayon ay abala si Erich sa pelikulang kanyang pagbibidahan, at kanya ring ipu-produce. Kaya kung nakaranas naman siyang mabigo, sure na agad siyang makaka-recover.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here