(Review) The Good Son

0
58

Ang pinakabagong teleserye ng ABS-CBN kung saan pinagsama sama ang mga rising male lead stars na sina Joshua Garcia, Jerome Ponce, Mccoy de Leon and Nash Aguas ay pinapalabas na.

Nagsimula ito noong isang linggo at umani ng magagandang response mula sa mga viewers. Marami ang nanuod nito at sobrang humanga sila sa mga batang actor. Isa sa mga pinakahinangaan ay si Joshua Garcia.

Marami ang nagsasabi na si Joshua ang susunod na John Lloyd. Marami sa mga viewers ang naglabas ng opinion nila sa palabas sa social media na Twitter. Sabi ng isang tweet tungkol kay Joshua, “The most handsome crying baby boy @iamjoshuagarcia you are too young pero graabeeee iba ang acting skills at appeal mo samin #TGSKulong”.

Sabi naman ng isa pa, “Dear (young) actors, how many of you, have Joshua Garcia’s depth? Barely 20, he’s raising the bar already.. Isn’t it amazing? “

Ang The Good Son ay dapat sa pang hapon lang na slot at papalitan ang The Better Half. Pero dahil maraming nagrequest na gawin itong pang gabi, sinunod naman ito ng ABS CBN. Sa pang primetime na ito at ipinalit sa A Love to Last. Ang dapat talaga sa timeslot na iyon ay ang The Promise of Forever na pinagbibidahan ni Paolo Avelino at Ejay Falcon. Ito na lang ang inilagay sa panghap[on na timeslot ng ABS CBN.

May mga balita na dapat daw si Elmo at Janella ang kasali sa orihinal na cast at hindi sina Jerome at Loisa. Pero dahil sa pagpalit ng plot at production, iniba nila ang cast.

Katapat nito ang My Korean Jagiya ng GMA network. Halos doble ang lamang ng ratings ng The Good Son. Halatang halata naman dahil mas maganda ito at mas makakarelate ang mga tao.

Ang primetime na teleserye na ito ay tungkol sa pamilya. Siguradong maraming makakarelate dito at mas dadami pa ang viewers nito dahi lsa istorya at sa magagaling na mga artista dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here