(Review) ‘Last Night’ Ang Balik Tambalan Ni Piolo at Toni

0
57

Muling gumawa ng pelikula sina Toni Gonzaga at Piolo Pascual ngayon taon. Ang Last Night ay pinagbibidahan ng dalawa at dinirek ni Ms. Joyce Bernal. Ito ay isinulat ng artistang si Bella Padilla.

Madaming natuwa ng inilabas ang trailer ng pelikulang ito. Madami kasi ang naghahantay sa balik tambalan ng dalawa sa pinakasikat at pinakamagaling na mga artista ngayon.

Ang pelikulang ito ay hindi katulad ng nauna nilang pelika na Starting All Over Again. Medyo gloomy at dark ang pelikulang ito. Syempre meron din mga comedy at kilig na parts pero ang kabuuan ng pelikula at kakaiba.

Marami ang nagsasabi na maganda ang pelikula. Madami ang pumupuri sa dalawa at sa pagsulat ni Bella Padilla. Maganda naman talaga ang pelikula. Maganda din ang mga lugar na pinagshootingan nito. Pinakita nito ang maganda mga parte ng Maynila na tila nakalimutan na ng akaramihan sa atin.

Sobrang kitang kita ang kemistri ng dalawang artista. Bagay na bagay talaga sila on screen. Nagsimula ang pelikula sa eksena na gustong magpakamatay ng karakter ni Piolo na si Mark. Siya ay dapat tatalon an sa tulay pero nakita niya si Carmina na ginaganapan ni Toni, na nakasabit at mahuhulog na. sinagip niya si Toni at sumakay sila sa sasakyan ni Piolo.

Nag-usap sila tungkol sa pagpapakamatay at sa iba pang mga bagay. Madami silang napag-usapan hanggang sa nagsama sila at naging sobrang close. Marami pang ibang mga bagay na nangyari sa kanila.

Pagkatapos pa ng ilang mga eksena, eto na ang part two ng pelikula., sobrang kakaiba ng plot twist nito. Hindi mo aakalain na isang rom-com na pelikula ang pinapanuod mo.

Nabigyan naman hustisya ng dalawa ang mga karakter nila at naging successful ang movie. Mukhang magkakaroon pa sila ng ikatlong pelikula pagkatapos nito.

Manunuod ka ba kung gagawa pa sila ulit ng isa pang pelikula?

At kung hindi mo pa ito napapanuod, pumila ka na sa sinehan bago ka mahuli pa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here