Regine Velasquez Pinahanga Hindi Lang Ang Kanyang Mga Fans Kundi Pati Kapwa Celebrities Sa Concert Na R3.0

0
52

Sobrang tumatak sa isip ng mga fans ang dalawang gabi na punong puno ng talento at kantahan. Noong nakaraang Sabado at Linggo ay ginanap sa Mall Of Asia Arena ang 30th anniversary concert ng nagiisang Asia’a Songbird na Si Regine Velasquez Alcasid.

Napuno ng mga fans ang concert hall ng MOA Arena nitong weekends. Madami ang nag-abang, nanuod, at natuwa sa di malilimutang concert ng sikat na sikat na singer na si Regine Velasquez. Ito ay ang selebrasyon nya dahil 30 taon an siya sa industriya.

Madaming guests na ibang singers at performers ang nagiisang songbird. Ang mga drag queens o mga bakla at transgendered na si Regine ang ginagaya ay mga guests sa kanyang show. Tuwang tuwa ang audience dahil madaming Regine sa entablado. Talagang nakakaaliw ang segment nila. Isa pa sa mga nag guest ay ang popstar singer na si Sarah Geronimo. Si Sarah ay kilala bilang isang singer na nagmula sa palabas ni Regine na “Star For A Night”.

Proud na proud si Regina sa mga naachieve ni Sarah Geronimo. Tuwang tuwa naman si Sarah dahil isang karangalan para sa kanya ang maimbitahan sa concert ng nagiisang singer. Natutuwa din siya dahil sobrang dami ang nainspire na maging singer dahil sa talent at mga kanta nito. Kinanta nilang dalawa ang Sana Maulit Muli,” “Ikaw,” “Dadalhin,” at “Ikaw Ang Lahat Sa Akin.”

Madami din mga artista nag dumalo, nanuod at humanga kay Regine. Isa na dito ang magasawang Belo-Kho. Nagpost ang dalawa sa sarili sarili nilang Instagram account ng gabi iyon. Ang iba pang mga nanuod ay sina Jaya, Jed Madela, Judy Anne Santos-Agoncillo, Lucy Torres-Gomez at Gary Valenciano.

Kumanta din ang anak ni Regine at Ogie Alcasid kasama ng kanyang mommy. Tuwang tuwa ang mga tao dahil mukhang nakuha ng bata ang talent ng kanyang mga magulang.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here