Presidential Spokesman Harry Roque nagsumbong kay Pangulong Duterte

0
56

Dahil sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Diehard Duterte Supporters (DDS) na huwag naman atakihin ang mga lehitimong media men ay nag-react si RJ Nieto o ang kilalang blogger na Thinking Pinoy. Para raw kasing hindi panig ang Presidential Spokesman sa Pangulo.

Siyempre mayroon naman akong utak, masasabi kong mayroon namang katwiran si RJ Nieto a.k.a Thinking Pinoy kung bakit ganoon ang kanyang paniniwala. Ang sinasabihan kasi nitong si Presidential Spokesman Harry Roque ay ang mga tagasuporta ng pangulo at siya, bilang tagapagsalita ng presidente, dapat ay pumapanig siya sa Pangulo. Ibig sabihin, hindi dapat na pakialaman ni Presidential Spokesman Harry Roque ang mga tagasuporta ni President Duterte. Kaya naman sa FB Page ng Thinking Pinoy na si RJ Nieto ay sinasabi nitong hindi fit si Presidential Spokesman Harry Roque sa puwesto nito.

Kaya naman, direkta ng nagsabi si Presidential Spokesman Harry Roque kay Pangulong Duterte na nakakatikim ito ng pambu-bully sa Thinking Pinoy post. Na ipinangangalandakan ng blogger na iyon na hindi raw siya karapat-dapat sa kanyang puwesto. Hindi ko tuloy malaman kung matatawa ako o maaaawa kay Presidential Spokesman Harry Roque para kasi siyang batang nagsumbong sa presidente. Kunsabagay, nauunawaan ko naman kung bakit siya sa presidente dumiretso ng sumbong.

Si Pangulong Duterte ang nagluklok sa kanya sa puwesto kaya kung maiimpluwensiyahan si Pangulong Duterte ng mga tagasuporta nito ay hindi nga malayong maalis ito sa puwesto. Ngunit, sana naman ay maisip din naman nito na hindi naman nagpapaimpluwensiya si Pangulong Duterte sa mga sinasabi lang dito, kahit pa ng mga tagasuporta nito.

Gayunman, sinabi rin naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala namang mali sa kanyang sinabi. Sa palagay naman kasi niya ay iyon ang tama at nararapat. Siguro nga ay naisip niya na ang mga bloggers ay masyadong sinasakop ang Internet world kaya kung ano na lamang ang pinu-post nila ay iyon ang pinaniniwalaan. Para tuloy ang mga media men na nagtapos sa pag-aaral ay nababalewala na. Nabu-bully pa nga ang mga ito.

Ang tunay na media kasi ay sinisikat daw na walang kinikilingan samantalang kung blogger ka, ang supporta mo lang ay nasa taong iyong pinapaboran. Sa palagay ko nga ay iyon ang nasa utak ni Presidential Spokesman Harry Roque ng sabihin niya ang mga salitang iyon. Kaya nga lang, kahit pagbali-baligtarin man ang sitwasyon dapat ay lagi siyang nasa panig ng pangulo.

Ang tanong nga lamang, nasa panig pa rin ba siya ng pangulo kung ang kinakalaban niya ay ang mga tagasuporta ni Pangulong Duterte?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here