Presidential Spokesman Harry Roque, ipinagmalaki ang pagkakapareho nila ni President Duterte

0
38

“MAMATAY kayo sa inggit!” Ito ang maanghang na wika ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang mga kritiko.

Hindi pa man siya nakapagsisimula sa kanyang trabaho ay marami na ang mga kasamahan niya sa Kongreso noon ang bumabatikos sa kanya. Siyempre ang dahilan, naiinggit sa kanya. Iyon ang paniniwala niya at talagang may katotohanan naman iyon. Kung tanggap kasi ng mga dati niyang kasamahan ang magandang posisyon na ibinibigay sa kanya, siguradong magiging masaya na lamang para sa kanya. Kung masama man ang loob ng mga ito, maaari namang manahimik na lamang at suportahan na lamang siya tutal, wala na rin namang magagawa ang mga ito. Siya ang pinili ng pinakamamahal nating Pangulong Duterte na maging tagapagsalita niya.

Bilang mamamayan, maaari ngang may katanungan ka rin kung bakit si Mr. Harry Roque ang naging tagapagsalita ng ating pangulo. Isang human right advocate ang bagong presidential spokesperson kaya naman marami ang kumokontra kung bakit niya tinanggap iyon gayung marami ang nagsasabi na si Pangulong Duterte ay lumalabag sa karapatang pang-tao. Sabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi siya naniniwala roon.

At naniniwala ako na totoo ang kanyang sinabi. Hindi naman siya siguro maglilingkod sa ating pangulo kung pinagdududahan niya. Kunsabagay, hindi naman yata iyon ang isyu kung bakit marami ang kumokontra sa pagkakaluklok niya sa puwesto. Kundi dahil sa marami ang umaasa na sila ang kukunin ng presidente pero nalaktawan sila at si Mr. Harry Roque ang napili.

“Sabi ni Presidente, kinuha niya dahil ako ay Isa akong abogado. Kasing anghang ng bibig ko ang bibig niya kung ikukumpara sa kanya. Pareho kaming may mga malikot na dila…” 

Sa simula pa lamang ay hindi ko na maiwasan ang mapahagikgik. Sa hitsura pa lang kasi ni Mr. Harry Roque, ang presidential spokeperson, masasabi ko ng hindi siya magpapatalo sa kung sinumang mangbabato sa kanya o kaya sa Pangulo. Higit siyempre doon sa mga naninira sa kanya.

“At binibigyan ko na po ng notice ang mga walang hiya diyan na naninira lamang. Kung dati-rati hindi kayo nababato, ngayon po maghanda na kayo, dahil kapag kayo ay nambato, hindi lang po bato ang itatapon ko sa inyo, hollow blocks,” wika pa nito.

Sana naman ay bigyan na lamang natin siya ng pagkakataon na ipakita ang kaya niyang gawin. Iyon nga lamang, hindi pa siya nakakaisang buwan sa kanyang puwesto pero maging ang mga tagasuporta ni Pangulong Duterte ay na-badtrip na sa kanya. Ang dahilan, tulad ng sinabi ng presidential spokesperson, dahil sa anghang ng kanyang dila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here