President Duterte, inamin ang dahilan kaya tiklop sa China

0
62

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

“I do not take it against China. But what are the stakes? Do you want control of the passage?” Ito ang saad ni President Rodrigo Duterte sa isang briefing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago siya umalis ng bansa patungong Da Nang, Vietnam para sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.

Matatandaang ilang taon na ring sinasabing may alitan ang Pilipinas at China dahil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea. Ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa 2017 UP Alumni Council Meeting noong Setyembre 11, 2017 ay nagsimula diumano ang agawan sa teritoryo ng ilabas ng China ang nine-dashed line at ten-dashed line na mariing tinutulan ng iba’t ibang bansa sa Asya at isa na nga rito ang Pilipinas. (dzup.org)

Kung pakaiisipin ay mayroong karapatan ang Pilipinas na maglabas ng hinaing at pagkabahala sa ginagawa ng China ngunit hindi maitatatwa ang katotohanan na kahit ano pa man ang gawin ng Pilipinas ay hindi tayo maaaring lumaban sa dati ay tinatawag lamang na “The Sleeping Giant.”

“The truth is, if I could only confront China or if it is China alone- that’s the problem. But I said, there are contesting countries which have overlapping jurisdictions. And I engage China now, I will have to engage the five others. It would be something like a scramble there because if China concedes to one, Philippines, it has to concede to the others,” saad pa ng Pangulong Duterte.

Ang tinutukoy niya na iba pang bansa ay ang Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei na nanininindigan na mayroon din silang karapatan sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“And what will now happen to our general claim of being the economic zone belonging to my country? That’s a problem. I should be bringing this important matter to the surface.I know where going, the direction and it’s a game of geopolitics. I said, it would change the entire landscape of Southeast Asia if something goes wrong. I just hope that he (Chinese President Xi) would honor it because it will change the entire geography of the world. And war starts. I don’t know what will be the next geographical division of Asia.” Ang tinutukoy ng Pangulo ay ang  pangako ng China na hindi na ito muli pang magtatayo ng mga istruktura sa inuokupang Pag-asa Island at Panatag Shoal o mas kilala bilang Scarborough Shoal).

Maraming mga Pilipino ang nagsasabing dapat ay mas maging matapang ang Pilipinas sa pag-angkin sa mga teritoryong kung tutuusin ay atin naman talaga lalo pa at pinanigan tayo ng UNCLOS tribunal ngunit marami rin naman ang tila hindi ito ang nakikitang solusyon sa alitan ng dalawang bansa—kabilang na  si Pangulong Duterte.

“Hindi nga natin mapigilan kasi hindi natin kaya ang China. Hindi nga mapigilan ng Amerikano. In the first place, pag umpisa pa lang niyan, hindi na pumunta ang Amerikano, natakot na. It would be a massacre. First hour pa lang ubos na ‘yung naku. We are not in a position to declare war.” Ito ang matatandaang saad ng Pangulong Duterte noong Marso nitong taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here