Pinatulan ni Bunso si bayaw habang nagtatrabaho si Ate sa abroad

0
66

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

I miss you, mga Katsismosa, sorry kung hindi ako nakapagsulat nitong nakaraang araw. Naghanap kasi ako ng maitsitsika sa inyo. Eto nga may natagpuan na ako istorya na talaga namang dudurog sa’yong puso.  

Hay naku, hindi ko talaga maisip kung bakit may ganitong klaseng tao. Ang sama-sama nila. Hindi man lang nila nagawang isipin ang sakit ng mararamdaman ng isang asawa at kapatid kapag natuklasan ang kanilang kababuyan.  

Mahal na mahal ni Elena ang kanyang pamilya kaya gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Mayroon kasi siyang 3 anak na puro paslit pa. Bukod doon, ang mga magulang niya ay sakitin na kaya naman gusto niyang mabigyan ng tulong ang mga ito. Kahit naman kasi mayroon pa siyang mga kapatid, hindi niya magagawang asahan ang mga ito. Pare-pareho na kasing may asawa ang mga iyon, ang kanilang bunso naman ay hindi rin niya maaasahan. Bilang panganay na anak, sinabi niya sa kanyang sarili na tungkulin niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang.  

Ayaw sanang pumayag ng kanyang mister na si Bobby na magpunta siya sa Malaysia. Hindi dahil sa nag-aalala ito sa kanyang misis kundi dahil sa wala lang itong makakatabi sa kama. Mahilig sa sex si Bobby, aminado naman ito at pinatunayan naman iyon ni Elena ngunit hindi sapat na dahilan iyon para maawat si Elena sa kanyang pangarap. Hindi para sa kanyang sarili kundi sa kanyang pamilya. Sa huli naman ay pumayag na rin si Bobby. Basta lang daw laging magpapadala ng pera si Elena.  

Sa paglayo ni Elena, unti-unti naman niyang nagawa ang kanyang pinangarap sa kanyang pamilya ngunit hindi siyempre ganoon kadali ang paraan para makuha niya ang pangarap niya. Oo nga, nakapagpatayo si Elena ng mas magandang bahay ngunit katakut-takot na hirap din naman ang kanyang pinagdaanan. Paano ba naman kasi, mahigpit ang kanyang amo. Tira-tira lang ang pinapakain sa kanya, lagi pa siyang nakakulong sa bahay at sobra-sobra ang oras ng kanyang pagtatrabaho. Gayunman, nagawa niyang tiisin iyon para sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya.  

Ang hindi lamang niya napaghandaan ay iyong katotohanan, na ang mga kapamilya niya ang maaaring dumurog sa kanyang puso. Biro mo ba naman, nalaman niya sa kanyang matalik na kaibigan ang tungkol sa kanyang asawa at bunsong kapatid. Hindi sana niya gustong maniwala sa balita ng kanyang BFF ngunit may ebidensiya itong ipinakita sa kanya. May mga larawan si Joan na makapagpapatunay na mayrelasyon nga ang dalawang taong importante sa buhay ni Elena.  

Maaari sanang idemanda ni Elena ang kanyang asawa at kapatid. Pupuwede niyang maipatapon sa kulungan ang mga ito pero sabi ni Elena, gusto na lamang niyang mag-move on. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang kanyang mga magulang at mga anak. Ngunit, may mga tao talagang makakapal ang mukha. As in, sobrang kapal. Biruin mo ba naman, sa halip na itago ng asawa ay kapatid niya ang relasyon ng mga ito, nagsama pa sa iisang bubong — sa bahay na ipinatayo ni Elena.  

Salamat na lamang at matatag itong si Elena. Kahit sobra-sobra ang sakit na ibinigay sa kanya ng asawa at at nakababatang kapatid, minabuti niyang ipagpatuloy ang buhay. Sabi nga niya, mag-move on na lang. Pero ang banta niya sa asawa at kapatid, kapag balik niya sa Pilipinas, hindi niya gugustuhing makita ang mga itong magkasama. Ewan nga lang kung ang ibig ba nitong sabihin ay kailangang lumayas ng mga ito sa kanyang bahay o babawiin niya ang mister sa kanyang kapatid kapag uwi niya.

SHARE
Previous article1,000 Posts and Just Getting Started
Next articleHoroscope, Nobyembre 13, 2017
My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here